in

Isang konsyerto ng mga kabataan, para kay Jam

Dalawang araw na nagpakitang gilas ang mga talento ng Vocals sa layuning makatulong sa isang batang may karamdaman.

Roma, Pebrero 24, 2014 – Dalawampu’t apat na mga kabataan ang nagtanghal at nagpakitang-gilas sa dalawang araw na konsyerto nitong Pebrero 15 at 16 sa Tearto San Leone, Roma. 24 na mga kabataan na tinuturuan ni Robert Jacinto, ang founder ng VOCALS. Private lessons na sinimulan noong nakaraang taon, Enero 2013 na hangaring mapagtagumpayan ang hina ng loob at hiya upang lumabas ang tunay na talento ng mga kabataan.

My school motivates the students to use the power of music as inspiration and diversion to their personal growth and development, to overcome shyness and gain confidence, using music as my tool. I require no talents, but for me, interest and commitments matter most. Singingis the best way of expressing one’s hidden emotion and in such purpose, V.O.C.A.L.S. is born”, paliwanag ng founder-instructor.

Ang salitang Vocals ay kumakatawan sa, V for voice, O for vocal ornaments, C for class (proper poisture and bearing), A for artistry, L for lyrics and S for style (singing techniques & interpretation).

Ang ginanap na konsiyerto ay nagtanghal ng magkasamang tradisyunal na awitin ng bansang Pilipinas at mga international hit songs and dances. Masayang nagkantahan at nagsayawan maging ang mga dumalo ng konsyerto.

Naging panauhin din Santa Cecilia Choir kasama ng 24 na talents na sina Aby Gaile Lyd Timmanggen, Beverlie Manibo, Aliyah Suayan, Janina Inojosa, Christian Inojosa, Chiara Corpus, Raffaella Casapao, Liezly Mhay & Marie Claire Casapao, Franz Elisabetta Jacinto, Eijah Lee Jacinto, John Michael Napa, Alexhia Micaella Napa, Hillary Pancho, Marjorie Joy Mercado, Justin Malapaya, Andrei Malapaya. Megan Sasanova, Kate Niccole Magsino, Abiekaye Magsino, Paul Darel Estabillo, Davide & Divina Amor Griego at John Luigi Miranda.

Sa likod ng dalawang araw na konsyerto, ang tunay na nakatawag pansin ay ang hangaring makatulong kay Jam, isang 6 na taong bata na nakipaglaban sa karamdamang kanser. Ngunit sa kabila ng naging pagsusumikap ng grupo at ng kanyang pamilya, ay sumakabilang buhay si Jam bago pa man sumapit ang konsyerto.

“Si Jam ay bunso sa dalawang anak ni Lito at Malou sa Pilipinas”, ayon kay Robert Jacinto.  “Matapos ma-diagnosed ang brain tumor ng bata, ay tinapat ng mga duktor ang magulang ni Jam – ang pagkakataong mabuhay ng bunsong anak ay dipende rin sa kakayahang pinansyal ng mga magulang para sa chemo therapy matapos ang brain surgery”, kwento ni ni Robert. Ang matinding pangangailangan ng mga magulang ni Jam ang nagtulak kay Robert na gawing beneficiaries ang mga ito sa launching concert ng VOCALS. Sa kasamaang palad, apat na araw matapos ang paglulunsad nito ay sumakabilang buhay si Jam, ngunit nanatiling beneficiaries pa rin ang mga ito ng ginanap na pagdiriwang. (PG at SR)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ministry of Labor, ipinagtibay ang bagong national agreement on domestic job

QUEVEDO, BAGONG APPOINTED NA CARDINAL NI PAPA FRANCESCO PARA SA PILIPINAS