in

Isang Mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! – Fr. Velos

altNais kong batiin ang ating mga kababayan dito sa Roma ng Mapayapa at Masaganang Bagong Taon!

Sa ating pagsisimula ng Bagong Taon 2012 nais kong ipaabot sa inyong lahat ang pagpapala at bendisyon ng ating Panginoong Hesukristo! Pagpalain nawa ang ating pamilya, kumunidad, bansa at buong mundo! Maging matagumpay tayo sa ating pangarap, mapayapa at masagana sa ating buhay.

Ako ay natutuwa dahil ang Bagong Taon 2012 ay nagbibigay ng maraming biyaya. Unang una naging matagumpay ang ating Sentro Pilipino Chaplaincy sa mga programa at serbisyo noong nakaraang taon. Nakita ko ang paglago ng pananampalataya ng ating mga kababayan dahil punong puno ang ating simbahan lalung lalo na noong nakaraang Simbang Gabi at Pasko. Linggong linggo ay umaapaw sa ating simbahan ang mga nagsisimba. Nakita ko rin ang pagkakaisa natin sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon ng ating mga kumunidad upang tumulong sa mga biktima sa nakalipas na bagyong Sendong.

Sa taong 2012 ipagpapatuloy ng Sentro Pilipino Chaplaincy ang Vision at Mission nito: palalimin ang ating pananampalataya, yaman nating mga Pinoy upang maging mga magigiting na saksi ni Kristo, patatagin ang mga pamilya at alagaan ang mga kabataan sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga grupo at ahensiya ng ating lipunan katulad ng Vicariato di Roma, dalawang Embahada ng Pilipinas sa Italya at Vatican, Collegio Filippino, Consiglieri Aggiunti, (non government organizations) at Comune di Roma. Dito maipakita natin na sa pagkakaisa at pagpakipag-ugnayan abut-kamay natin ang ating mga pangarap. Sa pagkakaisa kumikilos ang kapangyarihan ng ating Panginoong Hesukristo. Mabuhay ang Pilipino!

Fr. Romeo Velos, cs
Chaplain – Sentro Pilipino Rome
Basilica di Santa Pudenziana
Via Urbana 16 – 06.4872046

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Seventh-Day Adventist sa Roma, nagselebreyt ng New Year

Buwis ng mga permit to stay – “Nangangailangan ng maingat na pagsusuri”