“Each time na magriring ang emergency phone, tumataas ang level ng adrenalina ko lalo na pag matter of life and death”.
Quintin Kentz ‘Bosing’ Cavite Jr.
Dalawampu’t isang taon na sa Italya at kasalukuyang residente sa Pescia, probinsya ng Pistoia kasama ang kanyang maybahay na si Jeanette De Guzman Cavite, na tulad niya ay aktibo rin sa public assistance. At sa kasalukuyang emerhensya ay tutok at abalang-abala sa mga panahong kasagsagan ng Covid19 ang isang Pilipinong frontliner sa Tuscany region, ang 43 anyos at tubong Naga City na si Quintin Kentz Cavite Jr.
Bagaman pangunahing trabaho ay ang assistance to persons with disability na nasa Tuscany Regional Program for Independent Living, ay bahagi din ng mahabang listahan ng mga members ng public rescuer (118 Pistoia-Empoli) bilang ambulance driver at first responder ng 118 simula 2015.
Ano ang takbo ng iyong trabaho sa araw-araw?
“May tatlong shifting kami sa isang araw: 8am-2pm, 2pm-8pm, tapos 8pm to 8am at isa sa mga shifts na ito ay naka-toka sa akin ng tatlong beses sa isang linggo. Pero bukod dito, ay nagkakaroon din kami ng ‘turni d’emergenza’ na madalas mangyari sa ngayon, at meron ding para sa ordinaryong assistance lang tulad ng paglabas sa ospital ng ilang pasyente.
Kami rin ang unang tumutugon kapag mayroong natural disasters tulad ng lindol, baha at tulad ng emerhensya ngayon, ang coronavirus. Kasama ang mga Local Civil Protection, kami ang magkakasamang tumutugon sa tawag ng mga pasyente at nagdadala sa ER.
Part ng aming areas of responsability ang pagcheck sa mga incoming passengers sa Tuscany Region and we also covered the two international arirports in Tuscany: Galileo Airport of Pisa and Americo Vespucci Airport of Firenze. Lahat ng passengers ay dumadaan sa aming mga thermo scanners, we check on their body temperatures na dapat ay hindi lumampas sa 37.5°. Pag lumampas ay potential infected sya and saka namin ipapasa sa aming medical team. Sa loob ng 8 hours na duty ay aabot sa mga 20 flights ang aming chinecheck. Lately kaunti na lang ang mga passengers. Minsan may dumadating na planes na dapat sana ay may 300 passengers, 20 lang ang sakay. Hanggang sa isinara completely ang Firenze airport dahil wala ng dumadating na mga pasahero.
Now we are fully concentrated sa battlefield. Lagi na kami sa ambulance at each time na sasabhin ng mga kasama ko na “Covid19” case, parang feeling ko nakainom ako ng 5 tasang kape sa kaba. Nakakaawa ang mga patients. You have an idea kung kailan ka kinuha sa bahay ng ambulance, pero wala kang idea kung makakabalik ka pa. Too high ang nunber of deaths…equally high ang new cases of infection. I’m hoping na lumipas na ang paghihirap na ito“.
Gaano kadelikado ang iyong trabaho?
“Each time na magri-ring ang emergency phone, tumataas ang level ng adrenalina ko lalo na pag matter of life and death. Lalo na sa panahon ngayon lahat ng tawag at lahat ng turno ay emergency.
Malaking responsabilidad kasi lahat nakarecord so bawal magkamali. Technically, kung ano nakita namin or nalaman should remain a top secret kasi pumirma kami about sa privacy ng aming hawak na essential, delicate and confidential data“.
Hindi ka ba nag-aalala para sa iyong kalusugan?
“Para maproteksyonan ang sarili namin ay kailangan ang presence of mind at laging sundin religiously ang mga protocols. Ang mga family members ko and mga close friends ay hindi nagkukulang sa mga paalala na mag-ingat at nagtatanong kung hindi ako natatakot. Ang takot ay laging andyan, pero ang passion at ang kagustuhang makatulong sa kapwa ay mas nananaig. Full support namn ang asawa ko kasi alam nya rin ang nature ng aking ginagawa, since dati rin syang nurse sa Pilipinas.
Sa panahon ngayon ay lagi kaming may pangamba na mahawa. Pero well-protected naman kami lagi at laging under medical control if needed. Plus may insurance din kami in case na may mangyaring hindi inaasahan sa aming duty. Dahil sa mga namatay at na-infect na mga health personnels, may bago kami natanggap na protocol, including ang paggamit ng personal protection equipment. All patients are to be considered infected to fully protect us.
Ang iba kasi di sinasabi tunay na sitwasyon kaya na-infect ang ibang doctors, nurses, and responders. Kami for now ay nagslow down sa aming mga movements dahil kulang kami sa protection. Nasa 35K kami dito sa Tuscany region na nasa sanitari, pero ang masks ay nasa 5K lng a day. Kulang na kulang kaya we are taking turns para di masayang ang mga protective equipments”.
May Pilipino ka na bang nasaklolohan sa pagganap ng iyung tungkulin?
“May mga filipinos na rin akong nasaklolohan at iba-iba naman ang nature ng mga cases. May mga kababayan din akong nacheck, and iba-iba ang mga reactions. Ang mga common na linya ay “Hay salamat may kababayan tayo. Pwd tayo makalusot”, or “Kuya if may fever ako huwag nyo po ako isumbong, palusutin nyo po ako”. Smile lang ang sagot ko dahil hindi namn ito palakasan system, we need to protect our community and isolate the virus”.
Bilang aktibong filcom leader bilang National President ng GUARDIANS Emigrant paano naging kapaki-pakinabang ang iyong trabaho sa komunidad?
“Sa kahilingan ng ilang Filipino communities and associations, nagsasagawa rin kami ng mga First Aid Seminars. Alam natin na importante sa mga kababayan natin ang may alam sa first aid kasi nagtatrabaho ang karamihan sa bahay as caregivers or baby sitters. So sila usually ang may first contact sa mga nangangailangan ng paunang lunas.
May mensahe ka ba sa filipino community?
“Keep your eyes wide-open. Binigyan tayo ng mga guidelines, let’s obey them. Iwasan ang pagdidikit-dikit, hugasan ang mga kamay at iwasang hawakan ang mga mata ilong at bibig. At ang pinakamahalaga sa ngayon, Help us fight this invisible enemy by staying at home. Yan ang pinakamalaking tulong na puwde nating maiambag sa lahat na nasa frontline. Habang kami ay nasa labas, samahan nyo kami ng inyong mga dasal”. (PGA)