Sa pamumuno ng spiritual adviser na si Fr. Emil Santos, nagsisimula’ng bumuo ng isang samahan ang mga Capampangan.
Naging tagumpay ang kauna-unahang pagtitipon ng mga Capampangan noong nakaraang Mayo a-29 . Layunin ng pagtitipon ang magka-kilanlan ang mga taga Pampanga at upang makapag buo ng isang grupo na pormal na kakatawan sa mga taga lalawigan dito sa Milan.
Bukod pa sa planong pagbuo ng grupo, ang pagtitipon ay bilang pagdiriwang din ng kapistahan ng Birhen ng Santissima Trinidad na siyang patron ng San Fernando, Pampanga.
Isang Banal na Misa ang ginanap sa dialeto’ng Capampangan bago ang masayang hapunan.
Matapos ang hapunan, nagkaroon ng maikling talakayan ukol sa mga magiging layunin ng bubuuhing samahan ng mga taga- Pampanga.
Kabilang sa mga aktibong nagsusulong ng pagkakaroon ng isang samahan sina Darwin Timbol, Baby Carbonel, Dennis Viray, Armando Isais, Lito Trinidad, Lina Sibug, at iba pa. (zbaron)