in

Isyu ng paglaganap ng droga sa North Italy, haharapin ng AGAD

AGAD o Action Group Against Drugs, isang kampanya na haharap sa laganap na paggamit at pagtutulak ng mga ipinagbabawal na droga sa North Italy.

 

Milan, Disyembre 1, 2016 – Isang pulong ang isinagawa ng Philippine Consulate General (PCG) sa Milan sa pangunguna ni Consul General Marichu Mauro, mga kinatawan nito at mga Filipino Community leaders sa Milan at North Italy hinggil sa paglulunsad ng isang kampanya na haharap sa laganap na paggamit at pagtutulak ng mga ipinagbabawal na droga. 

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sangkot ang ilang mga kababayan sa North Italy kung kaya’t ang kampanya ay binansagang AGAD o Action Group Against Drugs. 

Our drug problem in the Philippines has reached epidemic proportions, so kailangan tugunan natin ang campaign ni President Duterte,” wika ni ConGen Mauro sa kanyang opening speech. 

Matatandaan din sa isang state visit ni pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian nation (ASEAN) sa Laos kamakailan kung saan sinabi niya na malaki ang problema sa drogs ng bansang Pilipinas na humahantong din sa corruption hanggang sa pinakamataas na libelo.

It tears apart the fabric of our society and the basis of our human dignity,” bahagi ng talumpati ni Duterte sa ASEAN.

Malalalim na salita, pero tumutusok, kumukurot sa atin kasi totoo,” tugon naman ni Congen Mauro. 

Ayon kay ConGen Mauro, isinagguni umano ni Ed Turingan, Italy Coordinator ng MRRDNECC o Mayor Rodrido Roa Duterte National Executive Coordinating Council at  Milan Chapter President ng OFW Global Movement, ang paglulunsad ng isang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga partikular ang isang Action Group Against Drugs. Dahilan ng mabilis na pagtawag ng Konsulado ng isang organizational meeting.

Sa probinsiya ng Padova, inihalimbawa ni Mauro ang pagkakahuli umano sa ilang mga kababayan natin kamakailan na sangkot sa ipinagbabawal na droga at kasalukuyang ang mga ito ay nasa piitan.

May ilang pinoy din ang mga nahuli sa Milan, na sumasailalim na sa tribunal hearing. Sila ay nasasangkot umano sa paggamit, pagtutulak ng ipinagbabawal na droga. Ang ilan naman ay nagtangkang magpuslit ng stimulant drug sa loob ng bansang Italy.

Base sa datos ng PCG Milan, ang mga kababayan natin na kasalukuyang nakapiit sa iba’t ibang kulungan sa North of Italy, 78% male detainees at 22% female detainees na ang mga edad ay nagmumula sa 28 hanggang 60 taon gulang.

Sa kabila nito, bigay-diin ni Mauro sa filcom, hindi umano sila maaaring makialam sa mga imbestigasyon ng awtoridad sa Italya lalo na kung may kinalaman ang mga ito sa bawal na gamot.

Sa kanilang pagkakaroon ng kolaborsayon sa mga awtoridad ay tanging mga impormasyon lamang tungkol sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal ang kanilang maibibigay tulad ng personal data, ang status sa bansang Italya at iba pang impormasyon na kailangan ng mga awtoridad upang magkaroon ng isang matibay na ebidensiya kung nagkasala man o hindi ang mga kababayang sangkot sa mga ipinagbabawal na gawain.

Maliban sa mga filcom leaders na dumulog sa pulong ay naroon din si Avvocato Davide Cicheri, mula sa isang private law firm na nagpaunlak sa imbitasyon ng Konsulado at nagpaliwanag sa batas ng Italya hinggil sa mga nasasangkot sa krimen tulad ng ipinagbabawal na droga, mga kaparusahan at mga epekto nito sa kanilang paninirahan sa bansa.

Sa unang yugto ng organizational meeting na naganap, majority ng mga mungkahi ay ang pagkakaroon ng divertion para sa mga kabataan tulad ng focus sa sports, arts at iba pang uri ng pagkakalibangan ng mga ito. 

Pagsasagawa ng mandatory drug test sa mga ofw naman ang mungkahi ng iba.

Mga makabuluhan ang mga naglabasang mungkahi kung kaya’t napagkasunduan sa pagitan ng Konsulado at filcom leaders na tatalakayin muli sa ikalawang pulong upang sa lalong madaling panahon ay pinal ng ilunsad ang Action Group Against Drugs o AGAD.

 

 

nii Chet de Castro Valencia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpasok ng 1160 non-Europeans athletes, aprubado!

Bonus Figli Natalizio 2016, hindi totoo!