in

IT Training at EDT, isinagawa sa Modena

Nagtapos ang 20 mag-aaral sa Information Technology Training Program. Dinaluhan naman ng halos 100 katao ang Financial Management and Enterprise Development Training (EDT).

 

Modena, Marso 13, 2017 – Isang matagumpay na Information Technology Training Program o Computer Hardware and System equivalent to TESDA COC1 ang isinagawa sa Modena Italy. Ito ay sa pamumuno ni Mr. Consorcio Amado ang presidente nang La Comunità Filipina di Modena o COFILMO. 

Matiyagang tinapos nang 20 mag-aaral ang intensive course. Ito ay nagtagal ng 8 sessions tuwing Sabado simula ika 5 ng hapon at tuwing Linggo simula ika 10 ng umaga, sa tulong ng guro na si Mr. Mario Casuga.

Noong nakaraang March 5 ay tinanggap ng 20 mag-aaral ang kanilang certificates bilang patunay ng kanilang pagtatapos. Kasabay nang mungting programa ay nagkaroon din ng Financial Management and Enterprise Development Training (EDT). Ito ay dinaluhan ng mahigit sa 100 Filipino. Bilang na higit sa inaasahang magsisidalo. 

Ang nabanggit na programang ay dinaluhan ni Consul General Marichu Mauro ng Philippine Consulate General of Milan. Dumating din ang masipag na OWWA Welfare Officer/ Labor Attachà na si Ms. Jocelyn O. Hapal upang personal na isagawa ang training. 

Layunin ng Financial Management and Enterprise Development Training ang magbigay ng kaalaman kung paano magsisimula ng negosyo sa Pilipinas sa tulong ng Business Loan sa ilalim nang OWWA OFW Reintegration Program. 

Binigyan din ng certificate sa mga nagsidalo dahil ito ay isa sa pangunahing requ- irements upang maaprobahan ang isang business loan. 

Kaugnay nito, ang Modena umano ang mayroong pinakamaraming bilang ng mga nagsipagtapos at may pinakamaraming bilang din ng mga participants ng EDT, ayon sa mga panauhin. 

Ang positibong tugon ng fil-com Modena ay patunay lamang ng kaligayahan ng mga Pilipino at nakakarating ang mga makabuluhang programa tulad nito mula sa ating gobyerno. 

Inaasahang magsisilbing hamon para sa maraming Overseas Filipinos ang pagbibigay ng pagkakataong higit na mapaunlad ang mga sarili at maging mas bukas na tanggapin ang pagbabagong alok nito lalo na’t para sa kabutihan ng nakararaming Ofws at ng kanilang mga pamilyang iniwan sa Inang bayan. 

ni: Ailene Garcia 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NASpl at ASDI, ang pagkakaiba sa dalawang unemployment benefits

Decreto Flussi 2017, nasa Official Gazette na