in

Italian-Filipino Chess Team Goodwill Match, sa paglulunsad ng FEMICA

Ginanap ang 1st Invitational Chess Team Tournament kasabay ang paglulunsad ng FEMICA.

Roma – Marso 26, 2013 –  Pinangunahan ni H.E. Virgilio Reyes Jr, ang Ambassador ng Pilipinas sa Italya at ni Onorevole Roberto Mastrantonio, ang Presidente ng Municipio VII, ang ginanap na 1st Invitational Chess Team Tournament sa Italya kasabay ng ginanap na paglulunsad ng Filipino European Migrants International Chess Academy o FEMICA.

Pinahalagahan ng Ambasador sa kanyang pananalita ang pinagmulan ng larong chess at ang ibubunga nito sa mga kabataan sa kasalukuyan. Aniya, ang larong chess “improves concentration, develops logical thinking and promotes sportsmanship”.Samantala, para naman sa Presidente ng Municipio VII ang larong chess ay makakatulong sa integrasyon ng mga Pilipino sa Italya gayun din sa magandang samahan ng dalawang nasyunalidad.

Sinimulan ang Italian-Filipino Chess Team Goodwill Match sa pamamagitan ng symbolical moves nina Ambassador at President. Nagtunggali naman pagkatapos ang 30 manlalaro, 15 Italians at 15 Pinoy.

Tinanggap ng Philippine Team ang  Ambassador’s Cup sa puntos na 38 laban sa 20 puntos ng Italian team.

Samantala, tinanggap naman sa Individual Standing ang medalya nina: Manzanilla Rufino FIL,  Carpio Edwin FIL, Mar Vicente FIL, Escobido Danilo FIL,  Valete Jimmy FIL, Deva Maurizio ITA at  Sarmiento Alex FIL.  

Sa pangunguna ni International Chess Master Virgilio M.Vuelban ay itinatag ang FEMICA, ang nag-iisa at unang-unang Filipino International Chess Academy sa Europa na opisyal na kaanib ng National Chess Federation ( NCFP ) at ng gobyernong Italyano. Layunin nito ang itaguyod ang larong chess sa mga kabataang Pilipino sa Italya gayun din ang i-train at matagpuan ang susunod na International  Master at Grandmaster sa mga kabataang Pinoy.

“Chess is a game for people of all ages – ayon kay Vuelban – but we promote chess especially to the children as a tool for education. It improves schoolwork and grades. Numerous studies have proven that kids obtain a higher math level and a greater learning ability as a result of playing chess”.

Lubos ang pasasalamat ng bumubo ng FEMICA at ni IM Vuelban, ang NCFP coordinator sa Europa, kay Ariel Lachica at sa mga magulang gayun din sa lahat ng sumoporta upang maisakatuparan ang paglulunsad ng akademya. (larawan ni: Boyet Abucay)

 

Italian Team

1.Deva,Mauricio

2.Tamburin,Andrea

3.Simeone,Giulio

4.Mastrantonio,Giuseppe

5.Mastrantonio,Giordano

6.Shishkin,Mikhail

7.Piatto,Maurizio

8.Di Piero,Giuseppe

9.Busuioc,Mihai

10.Raccah,Ascer

11.Idone,Rafael

12.Ciocca,Lorenzo

13.Tolomeo Giuseppe

14.Trematera,Massimo

15.Venditi,Rafael

Filipino Team :

1.Abrenica,Abner

2.Delco,Mirol

3.Manzanilla.Rufino

4.Genita,George

5.Sambajon,Chris

6.Constantino,Gerardo

7.Carprio,Edwin

8.Escobido,Danilo

9.Mar,Vicente

10.Jonge,Simon

11.Barcebal,Boy

12.Bigcas,Roberto

13.Mayonte,Rogelio

14.Valete,Jimmy

15.Sarmiento,Alex
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Aplikasyon ng mga seasonal workers, simula ngayong araw na ito

1-day Basketball League ng KMP, isang tagumpay