in

Jacquiline at Kim, sa La Mente Artistica 2015

Dalawang kabataang Pilipina sa Roma ang hindi nagpahuli at nagpakita ng kanilang galing sa sining nitong Marso sa Roma.

 

 

 

 


Roma, Marso 20, 2015 – Sa ginanap na “La Mente Artistica 2015 Giovani Donne Artiste a Confronto”, sa Teatro dei Dioscuri – Rome mula March 8 – 14,  ay ipinakita nina Kim T. Viray at Jacquiline de Vega hindi lamang ang kanilang pagiging malikhain kundi pati ang kanilang pagmamahal sa sining.

Si Kim T. Viray ay tapos ng Interior designing sa Pilipinas, kasalukuyang owner ng jewelry shop, Kimi Te Jewels, at iskultor ng mga hinangaang hand made and personalized jewelries. At dahil sa pambihirang katangian, si Kim ay lumahok na sa ilang international exhibit tulad ng Dubai Jewelry International Week.

My strong oriental background and Rome’s passionate ambiance continue to inspire me”, ayon kay Kim.

Nadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamaraan sa paggawa ng mga alahas sa tulong nina Silvia Cerroni (awarded contempopary jeweler and sculptor) at Marina Valli (isang propesor at designer ng mga kilalang international brand) sa Italya. 

Gayunpaman, inaasahan ni Kim na kanyang patuloy na maipapakita at maipapadama ang pagmamahal, kagandahan at pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang mga hand made silver, bronze at gold jewelries.

Samantala, lalong lumalim ang lihig sa photography ni Jacquiline de Vega – isang colf/babysitter sa isang pamilya 6 taon na – sa kanyang pagdating sa Roma noong 2008. Sa katunayan, ang kanyang entry photo ay kinunan habang nasa bakasyon sa Volterra, Tuscany noong nakaraang Agosto. Ito ay naglalarawan ng isang babae na tumatahi ng balat. “We didn't expect that there will be a Medieval festival noong bumisita kami. There, all locals were dressed in medieval costume and the city was transformed into a medieval city like it was used to”, ayon sa dalaga.  

Ito ang unang pagkakataong lumahok si Jacke sa isang art event at hindi niya inaasahan na mabibigyan ng pagkakataon. Malaki rin ang naitulong ng PPCR o Pinoy Photographers Club in Rome sa kanyang hobby sa pamamagitan ng mga workshops.

“Wala akong specific na favorite photographers pero interested ako sa mga natural looking na photos. Pina-follow ko si Yen Baet, Josephine Sicad, Catillo couple, Apron and Sneaker's Rowena, Ana Rosenberg, Emily Soto, Steve McCurry, Manny Librodo, Daniel Cheong and Pat Dy”, ayon kay Jacke.

Malaki ang naitulong ng photography kay Jacke lalo na sa tema ng integrasyon sa Italya. "Through my occasional travels within Italy, I was able to learn more of the culture and history of Italy. Iyong hilig ko sa pagkuha ng litrato ay ang aking paraan para mai-kwento sa iba kung ano ang mayroon ang Italya", pagtatapos ni Jacke.

Layunin ng naging pagdiriwang ang bigyang halaga sa Araw ng Kababaihan ang sining sa iba’t ibang angolo nito: pagpipinta, iskultura, photography, graphic, fashion at exhibit. Ang iba’t ibang opera na ginawa ng 80 mga kabataang kababaihan buhat sa  higit  20 bansa,  ay sumasaklaw sa kanilang emosyon, talino, pagkatao, pagkamalikhain at estitikong pananaw. Ang kanilang pagiging malikhain ang nag-ugnay sa kani-kanilang talino at husay na ang pangunahing tema ay ang halaga ng kultura at ng kababaihan.

ni: Pia Gonzalez-Abucay

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Servizio Civile Nazionale, nangangailangan ng 30,000 mga kabataan, kahit dayuhan

Aplikasyon online para sa citizenship, sisimulan sa May 18 sa buong bansa