Patuloy ang pangangalap ng Philippine Embassy Rome at Philippine Consulate General Milan ng mga impormasyon ukol sa mga OFW na pansamantala o tuluyang nawalan ng trabaho dahil sa Covid19.
Ang dalawang official link – http://Polorome.com/jobdisplacement (Rome) at bit.ly/covid19jobdisplacement (Milan) ay inaasahang sasagutan online ng mga Pilipino sa Italya para sa job displacement monitoring system ng POLO OWWA sa Roma at Milan.
Samantala, sa isang interview ng kilalang radio station sa Pilipinas ay kinumpirma ni Ambassador Domingo Nolasco ang ukol sa pagnanais ng ilang Ofw sa Italya na matanggap ang libreng pagpapauwi sa Pilipinas batay sa unang inanunsyo ni Secretary Bello na ibibigay sa mga Ofw na apektado ng pandemic. Aniya mayroong ilang nagpahayag ng pagnanais ng pag-uwi sa Pilipinas at ang mga ito ay dumadaan sa evaluation at interview isa-isa dahil mayroong nais na magpalamig lamang at bumalik ulit ng Italya.
Kinumpirma din sa nasabing interview na wala pang nakakatanggap na Ofw sa Italya ng inanunsyong $200 katumbas ng P10,000 na matatanggap na ayuda mula sa gobyerno ng Pilipinas. Gayunpaman, patuloy umano ang pakikipag-ugnayan sa mga nakakatass ukol dito.
To avail of the program, OFWs must submit their certificate of employment issued by their agencies. Their application will be evaluated and processed by the Philippine Overseas Labor Office (POLO) or Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). OFWs are advised to get in touch with POLO in their host country if they are based abroad or visit the nearest (OWWA) regional office if they are currently in the Philippines” –
DOLE on March 25, 2020
Samantala, ayon sa PCG Milan nitong nakaraang March 26 sa social media account nito, “Kung sakaling may ipadalang ayuda, magkakaroon po ng Sistema upang maipamahagi ito sa lahat ng naapektuhan ng Covid19”.
Bukod dito, ipinapaabot din ng PCG Milan na walang ipinakakalat na Advisory tungkol sa pagpapalista para sa Repatriation at hiling na ipaalam agad sa Konsulado ang mga gumagawa ito.
Para sa karagdagang impormasyon, narito po ang mga contact numbers na maaaring tawagan
POLO-Rome
Mobile: +39 320 851 5465
Email: services@polorome.com
Facebook Messenger: m.me/POLORomeIT
OWWA-Rome
Mobile: +39 320 851 5465
Email: rome@owwa.gov.ph; owwarome@yahoo.com
POLO-Milan
Email: polomilan1@gmail.com
OWWA-Milan Email: owwa_milan@yahoo.com