Ang Sentro Pilipino Chaplaincy Rome ay naglunsad ng Joint Congress sa lahat ng mga pastoral workers sa Roma at ang mga miyembro ng Association of Filipino priests, religious, societies of apostolic life members and seminarians sa Italya.
Ito ay ginanap noong Abril 5, 2010, Lunes ng Muling Pagbuhay sa Collegio del Verbo Divino. Mahigit sa 150 pastoral workers at mga miembro ng AFPRS ang dumalo at masayang masaya ang lahat.
Nagsimula ang pagtitipon sa alas 2:00 ng hapon at ang pinaka highlight sa congress ay ang pagbabahagi ni Fr. Danny Huang, isang Paring Heswita tungkol sa tema, Priesthood and Resurrection.
Nagkaroon ng group sharing tungkol sa pagbabahagi ni Fr. Danny at pagkatapos ay ang ulat ng Chaplain ng Sentro Pilipino Chaplaincy tungkol sa mga programa ng chaplaincy. Sinundan ito ng ulat ni Fr. Norman, SSP tungkol sa mga gawain ng AFPRS.
Nagbigay ng kanyang pagbati ang Ambassador sa Holy See, Ambassador Mercedes Tuason. Dumalo din sa pagtitipon ang Consul General ng Embassy sa Italya, Congen Danny Ibayan. Dumating din sa congress ang Labor Attache’ na si Labatt Chona Mantilla. Nagbigay ng pagbati ang Superior General ng SVD, Fr. Tony Pernia.
Ang joint congress ay ginagawa tuwing Lunes pagkatapos ng pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ito ay ang pangatlong pagtitipon na sinimulan sa taong 2007. (Sentro Pilipino – Roma)