in

Joyce, ang Pinay contestant sa Italian amateur baking competition

Matutunghayan si Joyce Escano, ang nag-iisang Pilipinang contestant sa Italian amateur baking competition, ang Bake Off Italia sa Setyembre. 

 

August 31, 2016 – Isa si Joyce Escano, 30 anyos, tubong Bantangas at residente sa Mantova, sa mapalad na napiling contestant ng talent show ngayong 2016. 

Ang maybahay ni Emanuele at ina ng dalawang taong gulang na si Natalie, ay labing-anim na taong gulang ng dumating sa Italya, kasama ang mga kapatid upang makapiling ang mga magulang na naninirahan at nagta-trabaho sa Mantova. 

Bukod sa pagiging determinado ay mahilig si Joyce sa pastries, sa baking.

Sa katunayan, ay matatagpuan sa kanyang blog, ‘Il mondo di Joyce’ ang kanyang mga masasarap na pangsimagas at recipes. 

Sa kwento ni Joyce sa Bake Off, nagsimula syang mag-bake ng cake ng makilala nya ang kanyang napangasawa na mahilig sa sports ‘calcetto’. 

Tandang-tanda pa umano ni Joyce ang payo ng kanyang Lola: “Ang mga lalaki ay nabibitag simula sa kanilang panlasa”.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay ang mga kaibigan ni Emanuele ang kanyang kailangang mapa-ibig, sa kanyang masasarap na cakes! 

At ito ang naging simula ng kanyang pagkahilig sa pastries, sobrang hilig na naging dahilan upang iwanan nya ang kanyang trabaho, ang pagiging responsible ng isang warehouse. 

At simula noon ay nangarap na si Joyce na makapag-trabaho sa sektor ng ito. 

Vincerò Bake Off perchè sono determinata”, ayon kay Joyce sa pagsisimula ng talent show. 

Ang Bake Off Italia – Dolci in Forno ay nagsimula sa Italya noong 2013. At ngayong taon ay mapapanood simula Sept 2 kung saan mayroong 20 contestants na pinili buhat sa iba’t ibang bahagi ng Italya. 

Subaybayan at suportahan ang husay at natatanging galing sa baking ng ating kababayang si Joyce Escano sa Bake Off Italy. 

 

             Torta dell’amore Glassa lucida al cioccolato bianco Bavarese alle fave di tonka Gelatina alle fragole e zenzero Pds alla vaniglia

 

 

larawan mula sa Bake Off Italia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta acquisti para sa mga mahihirap, hindi matatanggap ng maraming imigrante

School year 2016-2017, narito kung paano mag-aplay ng buoni libri sa Roma