in

“Kababaihan Kaagay sa Pag-unlad” – Women’s Federation in Italy

Roma, Nobyembre 7, 2014 – Nanumpa noong nakaraang Oktubre 26 ang buong pamunuan ng Women's Federation in Italy sa Roma. Ito ay pinamunuan ni Vice Consul Mary Grace Villamayor ng Philippine Embassy to the Holy See at kasama sina Irma Tobias (ex-Consigliere Aggiunto Comune di Roma), Liza Bueno (Centro per l’Impiego), Rowena Flores Caraig, (Coordinator ng Umangat-Migrante), Pia Gonzalez Abucay, (Editor, Ako ay Pilipino newspaper), Luz Miriam Jaramillo (Chairwoman ng International Migrants Alliance in Europe) na pawang mga naging guest speaker din sa nasabing okasyon. Pare-parehong binigyang-diin ng mga panauhin ang pagbati sa pederasyon at ang paghanga sa tapang na harapin ang bagong obligasyon.
 
 
Dinaluhan rin ng ilang leader sa komunidad ang pagtitipon tulad nina Bill Saguing, Jessie Ramirez, Romulo Salvador, Bong Rafanan, Edgar Bonzon, Ariel Lachica, Jun Landicho, Judito Estopacia at marami pang iba.  
 
 
Layunin ng nabanggit na grupo ang maging matatag ang pagkakaisa ng mga asosasyon ng mga kababaihan at mga indibidwal na bumubuo nito at ang pagkakaisang ito ang maging kaagapay sa pag-unlad ng mga pamilya at komunidad na kinabibilangan, sa pamamagitan ng mga makabuluhang proyekto di lamang para sa mga kababaihan sa larangan ng pantay na karapatan bagkus maging para sa lahat. 

 
Ang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at ang pagkakaroon ng pantay na karapatan tungo sa kaunlaran”, ang objective ng bagong tatag na organisasyon ayon kay Blanca Ramirez Godofredo, ang Presidente ng FWI.
 
Ayon pa sa Presidente, ang unang gagawin matapos ang Induction of officers ay ang assessment meeting at pag-uusapan na rin ang unang project. Ito ay ang binabalak na pagbibigay ng regalo sa nalalapit na kapaskuhan hindi lamang sa mga bata kundi pati sa mga kababayan natin na walang trabaho at walang inaasahang tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods na magbubuhat mismo sa mga myembro. Ito ay patunay lamang na hindi limitado para sa mga kababaihan ang serbisyo ng pederasyon.
 
Magkakaroon din po kami ng workshop para sa lahat ng  committees. Tulad ng legal and counsel committee, upang tama ang paraan ng pagtutok sa mga pinanghihinaan ng loob, may personal problem at walang mga trabaho. Itong pederasyon ay magsisilbing tahanan o tuluyan para sa kanila at sa abot ng makakaya ay pag-uusapan at bibigyan ng solesyon ang bawat problema”, dagdag pa ni Blanca. 
 
Samantala, sa isang maikling panayam ay matapang na sinagot sa akoaypilipino.eu ang ukol sa mainit na tema sa komunidad: ang usury o mas kilala sa 5/6 bilang mga kababaihan at karaniwang humahawak ng yaman ng pamilya: “Isa po ito sa nais naming talakayin sa workshop, ang i-educate sila ng tamang paghawak ng pera. Hindi usapin kung gaano kalaki ang kinikita, ang problema dito ay kung paano tayo gumastos, minsan kasi ay inuuna ang mga bagay na hindi naman priority tulad ng luho at sugal”.  
 
Samantala, bahagi rin ng programa ng pederasyon ang mga kabataan na maagang humihinto sa pag-aaral. Ang leadership training seminar at values formation para sa kanila. “Importante din po yung pagbibigay ng mga advice sa mga magulang na miymbro namin para sa mas maayos na communication sa pagitan nila at ng kanilang mga anak”. 
 
Ang pederasyon ay hindi itinatag para makipag-kompetisyon sa mga kalalakihan kundi para din maging venue ng enlightenment, na tayong mga babae ay may kakayanan din mamuno at magsagawa ng mga proyekto para sa ikagaganda ng community. Ang importante ay ang mutual respect at pagtutulungan”, pagtatapos pa ng Presidente. 
 
 
PRESIDENT – BLANCA RAMIREZ GOFREDO
VICE PRES. – GUPITA OLIVEROS NINOFRANCO
SECRETARY – MERLY PRIETO CAMU SIANEN
ASST.SEC.- AILYN FELICIANO LASIN
TREASURER – ELMA RAMOS DELA CRUZ

ASST.TREAS.- MYLENE FIRME MARIANO

AUDITOR – LOURDES BONETE DOLOR

ASST.AUDITOR – VIRGIE RAFANAN RANCHEZ
 
COMMITTEES
FINANCE COMMITTEE
ANNA LIZA RAMIREZ ANCHETA
LUCY CABIGTING
ELMA RAMOS DELA.CRUZ
MAYETH VELASCO
YVES NAPA -SALLE
 
LEGAL AND COUNSEL-
WENNIE FLORES CARAIG
BLANCA R.GOFREDO
GUPITA O.NINOFRANCO
LOURDES B.DOLOR
YOLIE VILLAVERDE ABU
 
ORGANIZATION AND RECRUITMENT-
MARY ANN BOTE TRINIDAD
CHERIEL SANGO
JOCELYN M. MANUEL
ELMA SANCHEZ GABAYAN
EDRALYN BAJET BERZOLA
 
EDUCATION 
ANA B. BRUSOLA
JOSEPHINE BORJA DUQUE
MERLY PRIETO CAMU SIANEN
NDIRA JOY DAGMIL
 
MIGRANTS CONCERN AND CAMPAIGN:
LEA ALFILER VILLANUEVA
GRACE MARIE AGURILLA MAGRO
PHOEBBE TAAN MABUTI
IDA CABINTE VELASCO
AIDA CAMBA BARRAMEDA
 
NETWORKING AND SOLIDARITY
WENNIE FLORES CARAIG
LILIBETH RAFANAN MARIANO
VIRGIE RAFANAN RANCHEZ
 
ADVISERS:
WENNIE FLORES CARAIG
YOLIE VILLAVERDE ABU
 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

15,000 student visas para sa vocational courses at internship

Quanti tipi di razzisti ci sono in Italia? Il video