“Kabayan Ko, Kapatid Ko” o “4K”, ito ang tema sa ginanap na pagdiriwang ng Iglesia ni Cristo (INC) noong nakaraang Mayo 1.
Rome, Mayo 9, 2013 – Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Mangagawa, ay ipinagdiwang ang isang araw ng live music, medical and dental services, immigrant info and services, kids entertainment, photo booth at refreshment sa malawak na lugar sa Via Ceresole Reale 9-Roma, kung saan matatagpuan ang Iglesia ni Cristo (INC).
Isang programang inilunsad ng INC sa Pilipinas at kasalukuyang kumakalat sa lahat ng panig ng mundo na may layuning makatulong hindi lamang sa mga kababayang Pilipino bagkus sa bawat kapwa-tao at itinuturing na kapatid.
“Layunin namin ang maipakita sa lahat ang kamangha-manghang gawa ng Diyos sa pamamagitan ng INC, na kahit na buhat sa isang bansa ng 3rd world ay makakarating sa buong mundo. INC membership now comprises 110 nationalities. Ang mga achievements nito, lalo na pagdating sa spiritual aspect. Marami kasing Kabayan natin hindi alam ito”, paliwanag ni Ka Joey, ang naatasang manguna sa proyekto.
Ang “Kabayan ko, Kapatid ko” ay isang humanitarian outreach mission kung saan ang mga kapatid sa INC, katuwang ang Felix Y. Manalo Foundation Inc., ay naglulunsad ng mga free medical, dental and relief services sa Pilipinas na nagsimula nitong nakaraang Abril 2013. Tulad ng halos 15,000 residente kamakailan sa Tondo, Maynila.
“Sa Pilipinas ay maraming less privileged na kapwa natin, kaya iba ang aid or assistance and services being offered. Here in abroad, health tips, check-up and more on their problems regarding documents, good standing, benefits etc. ang karaniwang kinakailangan ng mga Pilipino dahil na rin sa kawalan ng panahon dahil sa trabaho at maging ang language barrier”, dagdag pa ni Ka Joey.
Ito ang mga dahilan kung bakit buong puwersa, maging ang youth members ay nakikiisa sa paglulunsad sa Roma ng worldwide campaign ng INC.
“Ito ay simula pa lamang ng marami at sunud-sunod pang proyekto ng INC dito sa Italya”, pagtatapos ni Ka Joey.