Sa ginanap na Virtual Dialogue sa pagitan ng Sentro Pilipino Chaplaincy (SPC) at ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma noong nakaraang March 4, 2021, ay ipinaabot ng SPC ang mga concerns at katanungan mula sa pinangunahan nitong dalawang araw na konsultasyon kasama ang mga filcom leaders na nagmula sa central at south Italy.. Matapos ang dayalogo ay naghanda ang Social Action Commission ng ulat ukol dito.
Ayon sa ulat, ay binigyang tugon ng Embahda sa ginawang dialogue ang mga hinaing ng komunidad partikular ang kahirapan sa pagkuha ng online appointment para sa iba’t ibang serbisyo nito mula sa Consular services hanggang sa serbisyo ng mga attached agency nito.
Nilinaw din ng pasuguan ng Embahada sa dayalogo na walang authorize o deputize na mga ahensyang pribado o indibidwal para mamahala sa pagkuha ng appoinment. Hinihikayat din ang mga aplikante na dumerekta sa pasuguan ng embahada at gamitin ang lahat ng posibleng paraan sa pagkuha ng appoinment.
Narito ang unang bahagi ng mga kasagutan sa mga katanungan ukol sa Consular services na inihapag sa embahada sa ginawang dayalogo.
Sa kahirapan sa pagkuha sa online appointment, walang kaalaman at downloaded application?
Ang pagkuha ng appointment ay may tatlong pamamaraan; 1) online gamit ang romepe.timetap application, 2) telepono, 3) email (mas iminungkahi para sa nahihirapan sa timetap). Simula noong Lunes (March 8) staggared na ang pagbibigay ng appointment na siyang ipinatutupad sa lahat ng bansa upang maiiwasan ang mga sumusunod: a) pag-aaksaya ng oras sa pagbabantay ng open slot sa araw-araw at b) upang maiiwasan ang “hoarding of slots” o pagkuha ng maraming slot ng iisang tao lamang gamit ang iba’t ibang email account. Ito’y bahagi ng pagpapaunlad sa sistema ng pagkuha ng online appointment.
Bakit tumatagal mula anim hanggang isang taon ang pagkuha ng appointment para sa renewal ng passport?
Nagkaroon ng isang buwang backlog noong panahon ng pandemiya dahil sa mga “health protocols” ng bansang Italya at Pilipinas na ipinapatupad sa ating Embahada gaya ng “social distancing” sa loob ng tanggapan. Ngunit tinitiyak na sa mga darating na araw sino mang kukuha ng appointment ay agarang mabibigyan ng skedyul ng kasunod na buwan.
Sa mga malapit ng mag expired ang validity ng passport at sa mga nasa Pilipinas na kulang na lang sa anim na buwan ang validity ang passport o expired na.
Sa mga malapit ng mag expire ang passport kinakailangan na sa pagkuha ng appointment for urgent concern ipakita ang petsa ng expiration of passport (maaring ipadala sa email ang fotocopia) upang sila’y mabigyan ng prioridad sa pag renew ng passport.
Pinapakiusapan naman doon sa mga matagal pa ang passport expiration, huwag na muna silang magmamadali upang mapagbigyan ang mga malapit ng mag expire ang passport. Kung nasa Pilipinas, maaring doon na gawin ang renewal.
Binigyan na rin ng awtoridad ang mga Honorary Consular Office sa iba’t ibang bahagi ng Italya na payagan i-extend ng isang taon ang mga expiring passport ng mga Pilipino. Ito ay isa lamang “emergency measure” at sa mga “extreme cases” gaya ng Covid-19 pandemic. Ang layunin nito ay upang ma i-renew ang mga dokumento sa gobyerno ng Italya tulad ng permesso di soggiorno, tessera sanitaria, carta d’identita, patente, atbp.
Sa pagpayag ng multiple application (hal. pagsasabay ng renewal ng passport, pagbabayad ng OWWA membership, atbp.) particular sa mga magmumula sa labas ng Roma upang makatipid sa gastos sa biyahe at panahon o ang group or block appointment.
Ito ay pag-uusapan pa dahil sa kung papaano panatilihin ang social distancing sa loob ng embahada.
Tungkol sa volume ng transaction, oras na nilalaan sa bawat transaksyon ng aplikante, at ang mungkahing overtime sa pagbibigay ng serbisyo.
Halos kalahati sa naging produksyon noon bago mag COVID ay syang nagagawa sa ngayon. Ang office hour ng embahada ay mula 8:00AM – 5:00PM at ang public hour ay mula 9:00 AM – 5:00 PM. Pero sa katunayan, sila ay nagtatrabaho hanggang 8:00PM upang tapusin ang mga reports, back-end processing, at pag sanitize sa mga opisina. Hanggang ganoon oras na lamang upang maiwasan ang posibleng reklamo ng mga katabing gusali.
Kadalasan tumatagal ng kalahating oras ang bawat aplikante lalo na kung ito ay may kasamang maliit na bata na mahirap kunan ng photo.
Papayagan ang mga walk-in applicants tulad ng mga senior citizens, PWD, pregnant women, atbp. at ang sa releasing ng passport o iba pang dokumento na hindi na kailangan ang appointment.
Sa ngayon ay hindi pinapayagan ang mga walk-in applicants at maging sa releasing ng passport na walang appointment dahil hindi masisigurado kung ilang tao ang dadagsa sa isang araw. Maraming dumarating sa Embahada ng mas maaga sa takdang oras ng kanyang appointment.
Binibigyan naman ng prioridad ang mga senior citizens, PWD, pregnant women, atbp ngunit iniiwasan lamang natin na magreklamo ang iilan na baka may pinapaboran sa mga nandoon na pinapauna sa pila. May nakatalagang dalawang tao na siyang nangangasiwa sa kaayusan ng pila ng mga aplikante.
Kailan muli magsasagawa ng outreach consular service labas ng Roma?
Kapag pinahintulutan na ng Health Ministry ng Italya at niluwagan ang mga travel restrictions.
Bakit walang sumasagot sa hotline number na nakalagay sa Advisory dated Jan. 13, 2021?
Lahat ng tumatawag o nagpadala ng email sa embahada ay naka-record sa ating log book (sino ang tumawag, araw, oras at phone number) at para na rin sa ating quality control ng serbisyo. Ang hotline number ay gumagana 24hrs/7days at may nakatalaga na tao sa pagsagot sa mga tawag at email. Mas maganda kung email ang gagamitin dahil nagagawang makontrol agad ang mga mensahe.
Tumatanggap sila ng halos 200 phone calls kada araw.
Sa mga kaso na “urgent” o “emergency” na kinakailangan ng travel documents?
Sa mga may namatayan na kamag-anakan, nagkasakit o naaksidente na kinakailangan na magbyahe, kaagad-agad itong binibigyan ng travel documents at serbisyo gaya ng Assistance to Nationals (ATN).
Sa iba pang serbisyo tulad ng “notarial”, may tagal lamang ito ng isa hanggang dalawang araw.
Sa mga kumukuha ng dual citizenship, sampung (10) katao lamang ang pinapayagan kada linggo na mag oath taking dahil sa limitadong spasyo ng tanggapan.
Sa mga nag expired na passport na-stranded sa Pilipinas at sa mga kinakailangan i-upgrade ang permit-of-stay at sa mga nag-apply ng regularization noong taong 2020
Binigyan ng pamahalaan ng Italya ng validity extension hanggang April 30 taong kasalukuyan. Sa mga Pilipino na nag-avail ng regularization taong 2020, ang mga ito ay binigyan ng special treatment para ma legalize ang kanilang status sa Italya.
Ang sulat mula sa Embahada na dated 2018 (motorizzazione civile) ay hindi na kinikilala ng mga awtoridad para sa renewal ng kanilang driver’s license?
Inaayos ng Embahada na mai-renew ang kasunduan sa LTO. May mga ilang syudad (comune) na pinapayagan na mai-renew ang driver’s license gamit ang sulat na mayroong petsa na 2018.
Narito ang kopya ng ulat mula sa Social Action Commission.