in

KALAYAAN 2014 sa FLORENCE

Florence, Hulyo 2, 2014 – Ang Kalayaan o Philippine Independence Day sa Florence, ay may siyam na taon (9) ng inoorganisa at ipinagdiriwang. Sinimulan sa panahon ng Consiglio degli Stranieri "Council for Foreign Nationals" Comune e Provincia di Firenze, at ipinagpatuloy ng Confederation of Filipino Community and Leaders in Tuscany, katuwang ang Philippine Honorary Consulate.

Ngayon taon noong ika-15 Hunyo 2014, ginanap ang matagumpay na pagdiriwang  ng 116th Philippine Independence day, sa pangunguna at naging punong-abala sa lahat ng preparasyon at konsepto ng programa, ang grupo ng Knights of Rizal sa pangalan ng kanilang Charter Commander of Firenze Carlos Simbillo, Deputy Comander Dennis Reyes, Chancellor Nilo Sibayan, Pursuivant Percival Capsa at nang kanilang mga magigiting at masisipag na officers at members katuwang ang nasabing Confederation of Filcom Tuscany President Divinia Capalad at mga miyembro.

Sa pagbubukas ng programa, nagbigay pugay at pagbati ang 6 na magagaling na Emcee's Ronn Bok Arago,Wiliam Castillo, Rafzen Pinon, Nala Reanno, Ms.Teteth, Ms. Zensky.

Sinasimulan ang programa sa parade of colors, na nilahukan ng mga asosasyon at grupo ng rehiyon at mga Sponsors. Nagkaroon ng Flag carriers tulad ng Philippine Flag, Italian, Europe, Comune di Firenze at Pace.

Inawit ng Tuscany pride na sina Camille Cabaltera ng Montecatini ang Lupang Hinirang at ni Michelle Alonzo ng Melograno ang Inno Nazionale ng bansang Italya. Nagbigay ng invocation prayer at mensahe si Rev.Fr.Don Giani Guida at Sister Anna. Isang pasasalamat sa ipinagkaloob na matagumpay na pagdiriwang at ang pagbibigay ng malamig na panahon na naaangkop sa maghapong  pagdiriwang.

Nagkaron ng pag-aalay ng bulaklak sa busto ng ating National Hero Dr. Jose Rizal at sa larawan ng sagisag ng Katipunan Andres Bonifacio, sa saliw ng awitin ng Ako'y Pilipino ni Guardians Blue Falcon Joven Garcia ng Montecatini. 

Nag-alay ng musica di silenzio sa pamamagitan ng pagtugtog ng trompeta ang Versalieri Militare ni Col.Massimo Rinaldi, bilang paggunita sa bayan at sa lahat ng namatay sa digmaan na tunay na nakaantig ng damdamin sa bawat isa.

Nagbigay ng inspirational message as Guest of Honor H.E. Amb.Virgilio Reyes, Jr.

Isang makabuluhang mensahe na nauukol sa legacy at mga aral na iniwan ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ang ipinaaabot ni KOR Comander Firenze Chapter. Sinundan ng President ng Confedcomfilfoscana sa isang paglalarawan ng naging halaga at kabuluhan ng pagdiriwang na naging isang instrumento ng pagpapakilala ng tunay na kultura  at tradisyon ng mga Pilipino na naging daan sa suporta ng Comune di Firenze. Isang tunay na karangalan at maipagmamalaki ng komunidad na 3 taong naging bahagi ng selebrasyon ang Former Mayor at ngayon ay Prime Minister Hon. Matteo Renzi.

Sumunod na nagbigay ng mensahe ay ang Honorary Consul General Dr. Fabio Fanfani at nagbigay ng Plaque of Appreciation at Recognition sa mga tumulong sa nakaraang biktima ng typhoon Haiyan.

Labis na pinasalamatan ang pagdalo ng ating kagalang-galang na Philippine Ambassador to Rome H.E. Virgilio Reyes, Jr. at ng kanyang maybahay na si Mdme Marie Luarca Reyes, ang kolaborasyon ng Philippine Honorary Consulate General Dr. Fabio Fanfani, Mayor Dario

Nardella sa katauhan ni Vice Mayor Cristina Giacchi Comune di Firenze,naging panauhin din mula sa Comune di Arezzo si Assessore Stefania Magi ng ANCI Toscana, Assessore allo Sport Comune di Firenze Andrea Vanucci, City Councilor Antonio Lauria. Hindi man nakarating ang Presidente ng Provincia di Firenze Andrea Barducci na nasa Senegal, ay nagpahatid ng mensahe ng pagbati. Dumalo din si Col. Massimo Rinaldi kasama ng Versalieri Militare. Dumalo din sa nasabing pagdiriwang ang famous and Filipino pride Madme Lolita Savage, Paul Samaniego na nagbigay ningning ng kanyang iginuhit bilang paggunita kay Andres Bonifacio. Tunay na hinangaan ang mga guest performers na sina Tessie Pendergart ng Pisa, Sintiche Rimotin at Annalisa Buenaventura.

Nagbigay ng kanya-kanyang presentasyon ang bawat asosasyon. Pinaghandaan ang bawat sayaw at awitin. Nagpamalas din ang Arnis Pilipino. Nagdulot ng kasiyahan ang intermission number na pinamahalaan ni Ms. Tess Salamero ang Quizz bee Balik-tanaw, na tunay na nagbigay ng kasiyahan at kinapulutan ng aral, lalot-higit sa mga kabataan at mga gustong magbalik diwa sa kasaysayan, tradisyon at kulturang Pilipino, na binigyan ng tamang lasa at saya ng mga Quiz masters na sina Dong Gumangan at Jerry Caldo, taglay ang push buzzer at timer na inihantulad sa battle of the brain.

Nagbigay ng magandang atraksyon ang gazebo at bahay kubo na pinaghandaan ng Knights of Rizal and Kababaihang Rizal na nagmula pa sa Modena na nagsilbing photo booth. Ang Photo Exhibit sa pangunguna ng UKP Litrato Klub ay nagpakita ng husay sa photo art collections.

Lumahok din ang 2nd generation Little Miss Philippines candidates at ang Singkil ng Youth Ministry ng San Barnaba. Bago naman simulan ang highlights ng programa, nagbigay ng mensahe at pasasalamat si KOR Deputy Cmdr. Dennis Reyes  sa major sponsors sa pagbibigay ng suporta.

Sa pamamagitan naman ni Enchong Dee ng TFC, ay halos kabugin sa dami ang mga kabataang halos himatayin sa tuwa at galak.

Muli pasasalamat ang ipinaaabot mula sa bumubuo at pamunuan ng Knights of Rizal Firenze Chapter at Confederation of Filcom & Leaders in Tuscany sa lahat ng dumalo at nakiisa. Mabuhay! (DC)

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Migrant’s Day, ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Italya

NAPOLI, nagdiwang ng Araw ng Kalayaan