in

Kampanya ng PCG Milan laban sa droga, suportado ng lokal na pamahalaan ng Milan

Sinuportahan ng lokal na pamahalaan ng Milan ang Philippine Consulate General in Milan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng isang Drug Awareness Seminar para sa mga kabataan at mga Ofws na naninirahan sa Milan at sa North of Italy.

Una rito ay nagpatawag ng dalawang sangay ng gobyerno para sa isang press conference kung saan tinalakay ang kasalukuyang situwasyon ng rehiyong Lombardia hingil sa talamak na pagtutulak at paggamit ng droga partikular ang methamphetamine hydrochloride o mas kilalang shabu, cocaine, hash hish at marijuana.

Ayon kay Milan Vice Mayor Anna Scavuzzo ang mga ‘itim’ na lahi ang diumanoy nagpapasok ng mga ilegal na droga partikular na ang shabu na mas popular umano sa ating mga kababayan.

Sa maikling talumpati ni PCG Milan Consul Manuel Mersole Mellejor, sinabi niya sa media na napapanahon na upang mas gabayan ng mga magulang  ang  kanilang mga anak upang hindi maligaw ng landas.

Pagkatapos ng press conference ay ipinakita ni Milan Deputy Press Officer Silvia Mascheroni sa media ang mga larawan ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot at sinabi na kadalasan ang mga kontrabando ay naipupuslit ang mga ito sa katimugang bahagi ng bansang Italya.

Sa araw ng seminar na ginanap sa Scuola del Corpo Polizia Locale sa Via Giovanni Battisti Boeri ay dinaluhan ng iba’t ibang filcom groups, mga estudyante at ang kinatawan ng Philippine Consulate General in Milan sa pamumuno ni Consul General Irene Susan Natividad.

Tampok sa nasabing seminar ang mga Local Police ng Anti Drug Unit na tumalakay ng masasamang dulot ng ipinagbabawal na droga hanggang sa kung ano ang mga gagawin o paano aksyonan ang isang drug dependent upang magbalik ito sa normal na buhay.

Kaugnay nito ay hiniling naman ng PCG sa FilCom na ipadala sa konsulado sa pamamagitan ng email (milanpcg.filcom@gmail.com cc: philcongenmilan@gmail.com) ang mga programa ng mga grupo para sa mga kabataan upang malayo sa bisyo.

Halimbawa nito ay ang isang religious group, ang Jesus is Lord o JIL na nagtitipon ang mga kabataan miyembro nito isang beses kada buwan bukod pa sa hinihikayat din nila ang iba pang mga kabataan na makisapi sa kanilang grupo.

Gayun din ang grupong Proudly Pinoy ASD Milan, na nakafocus naman sa sports, katulad ng Pinoy Runners Milan.

Natutuwa si ConGen Natividad dahil sa naging resulta seminar.

Ito ay para sa inyo, gaya ng mga magulang, ang Consulate ay naghahangad ng isang magandang kinabukasan sa bawat isa”, ani Natividad.

Ang paglayo sa kapahamakan, sa piitan, sa problemang dulot sa ipinagbabawal na droga sa pamilya at pagpapanatili ng magandang kalusugan ay ilan lamang sa kanyang inihalimbawa.

Hinding hindi makakamit ang magandang kinabukasan kung kayo ay involved sa ipinagbabawal na droga”, dagdag pa ng ConGen.

Pagkatapos ng presentation ay nagkaroon ng mga katanungan mula sa mga kababayan natin, at isang Ginang ang hindi nakapigil at kanyang ibinunyag  na isa siyang saksi umano sa laganap na transaksiyon sa ipinagbabawal na droga sa kanilang resident building. Sinabi niya sa harap ng mga awtoridad maging sa mga kababayan natin kung saan matatagpuan ang kanyang nasasaksihan na halos araw-araw, iba’t ibang tao ang nakikita niyang pumapasok sa kanyang kapitbahay. Agad naman hiningi ng Vice Inspector Ilenja Sabato ng Drug Contrast Unit ng Milan Local Police ang address na ito.

Sa mahigit 60,000 na populasyon ng mga Pinoy sa Milan at North of Italy, iilan lamang sa mga kababayan natin ang kasalukuyan nasa piitan dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa drugs. Kung ikukumpara umano sa ibang lahi na nasa piitan ay 1% lamang dito ang mga Pinoy.

Kung kaya’t ang mga grupo ng mga Pinoy dito na may kinalaman sa peace and order ay mas lalo nang magiging mapagmatiyag sa kanilang mga lugar na nasasakupan at ipagbibigay alam agad sa mga kinauukulan kung may mga nakikita silang  kahina-hinalang galaw ng mga indibiduwal o grupo.

Matatandaan din na nanawagan si Santo Papa Francesco sa buong mundo na ang pag iwas sa ipinagbabawal na droga.

 

Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

17 Pinoy, kasama sa 47 kataong inaresto sa Roma dahil sa drugs

3 flights linggo-linggo mula Malpensa via Kuwait City simula Oktubre