in

Kids Fashion Festival International, tagumpay sa Roma

Sa dalawang magkahiwalay na fashion shows sa Roma ay rumampa ang higit sa 50 mga kabataan bilang pakikiisa sa magandang layunin ng Kids Fashion Festival International.

Itinatag ni Ronnie Jacobs, layunin nya ang umikot sa mundo at bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan ng oportunidad na maabot ang kanilang mga pangarap maging bahagi ng fashion world, ang magkaroon ng higit na tiwala sa kanilang sarili at magkaroon ng karanasang hindi malilimutan. Lahat ng ito, kasabay ng pagtulong sa pangangalap ng pondo para sa organisasyong “Cancel Cancer Africa” na nagkakawang-gawa sa mga batang may karamdaman sa Africa.

Hindi naman nagdalawang isip ang Alona Cochon Entertainment Group na suportahan sa 2 magandang layunin si Jacobs at nag-organisa ng charity fashion show sa Roma.

Dalawang magkahiwalay na fashion shows ang naganap sa iisang araw lamang nitong Nobyembre na ginanap sa Best Western Hotel kung saan nagsama-sama ang mga bansang Philippines, Marocco, Angola, Mauritius, Suriname, Italy, Libia, UK at Perù sa katuparan ng mga nabanggit na layunin.

Higit sa 50 ang mga models na rumampa at mga artists na sina Giloya, Marcia Sedoc, Abs Hima at mga local artists na sina Aalijah Suayan, Nicole Marcelino, Chanel Itchon, Hillary Pancho, Pinoy Stars in Rome (PSR) na nagpakita ng husay sa awit at sayaw na nagbigay ng aliw at hinangaan naman ng mga nagsidalo, kasama ang host na si Jeffrey Jordan.

Panauhng pandangal na si H.E. Ambassador Grace Princesa ng Holy See.

“Ang aking suot ngayong araw ay gawa sa abaka. Ito ay isang produktong ipinagmamalaki ng Pilipinas. Ito ay aking napili ngayong araw dahil ang abaka at ang mga Pilipino ay may parehong katangian. Una na dito ang pagiging matatag”, pagmamalaki ng Ambassador.

Dumalo din si Hon. Maurizio Esposito, ang bise presidente ng Municipio 1.

Ako ay inyong kaisa sa mahalagang layunin ng pagtitipon at aking ikinagagalak ang makita at makapiling kayo ngayong gabi” aniya.

Nakiisa ang matutunog na pangalan sa mundo ng fashion sa Roma at Milan tulad ng: Ethnic Royals, Omojevbe, L & J, Renata Falconi, Azizarte Neri Pamitta, Lionell Christian Lanuzo, Elena Musuc, Athea Couture, Raffaella Troise, isang Italian ceramic jewellery designer, ang Accademia Genesis para naman sa make-up ng mga models kasama ang mga make up artists ng mga kids na sina Angelica May, Keith at Aalijah.

Thank you all for supporting this event. Now, I am very sure that we are not alone in our mission. I know you will help us also in promoting health awareness”, pagtatapos ni Jacobs. (ulat ni: PGA at larawan ni: Stefano Romano)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Mga Pinoy na aplikante ng Reddito di Cittadinanza, hindi magsusumite ng certificate of immovable assets mula Pilipinas

13th month pay ng mga colf, babysitters at caregivers – Paano ito kalkulahin?