in

Kilalanin ang mga kandidatong Filipino sa halalan sa Padova!

altPatuloy ang panawagan sa mga Filipinong naninirahan sa Padua para sa nalalapit na eleksyon sa Nob. 27 ng mga magiging miyembro ng Commission ng mga migrante na syang maghahatid ng boses ng mga migrante sa loob ng Konseho nbg lalawigan at ng mga munisipyo nito.

Lima at hindi apat ang mga Filipinong kandidato sa darating na halalan. Narito ang kanilang mga pangalan at ang esklusibong panayam sa kanila ng Akoaypilipino.eu (Lumban Avenido Melvin, Deligente Manalo Kristine Bernadette, Ariola Penarubia Paterno Jr., Malijan Mabel Lanorio at Vergaza Elizabeth Imperial).

——————–

altAko po si Kristine Bernadette Manalo Deligente, 21 years old at kasalukuyang naninirahan sa Padova. Dumating ako sa Italya noong ako’y 13 taong gulang pa lamang, taong 2003. Ako po ay nag-aral ng High school sa F. PETRARCA at sa ITCS P.F. CALVI naman ako nakapagtapos ng kursong Ragioneria. Sa kasalukuyan ako po ay nasa Segreteria ng AGENZIA IMMOBILIARE LA CASA

Anu-ano ang mga naging social commitments mo sa Filipino community na syang nagtulak upang tanggapin ang bagong hamong ito? Ako po ay Secretary ng organisasyon ng Filipino Community ng Padova. Kabilang din po ako sa samahan ng SFC (SINGLES FOR CHRIST).

Anu-ano ang pamamaraan ang iyong ginagamit sa pangangampanya? May partikular bang kahilingan ang ating mga kababayan? Ang akin pong pamamaraan na ginagamit sa aking pangangampanya ay ang pamimigay ng mga pamplets at ang pagbisita sa mga tahanan ng ating mga kababayan. Ang partikular na kahilingan ng ating mga kababayan ay tulungan sila kung ako ay papalaring mahalal, lalo’t higit ang mga kababayan natin na kararating lamang dito sa Italya at hindi pa marunong magsalita ng wikang italiano.

Ano ang karaniwang tugon ng ating mga kababayan sa halalang ito? Bilang tugon, ang ating mga kababayan ay nagnanais makiisa sa gaganaping halalan sa ika-27 ng Nobyembre. Natutuwa sila dahil tayo ay nagkaroon ng pagkakataon na ipahayag ang ating karapatan kahit tayo’y mga dayuhan lamang dito. Sila’y nalulugod dahil kung sino man sa amin ang mahahalal ay mayroon silang malalapitan sa oras ng kanilang pangangailangan.

Sa palagay nyo po ba ay sapat ang panawagang ginawa sa mga komunidad ng mga dayuhan upang sila ay bumoto? Sa palagay ko ay sapat ang ginawang panawagan sa mga komunidad ng mga dayuhan upang bumoto.

Anu-ano sa inyong palagay ang kinakailangan ng komunidad sa kasalukuyan na maaaring matugunan nang pagiging miyembro ng Commision? Sa aking palagay ang kinakailangan ng komunidad sa kasalukuyan na maaaring matugunan ng Commission ay ang pagtulong sa kanila na makahanap ng magandang trabaho at matulungan lalo’t higit ang mga kabataan na nahihirapan sa kanilang pag-aaral.

Maaari nyo po bang ihayag ang inyong programa? Sa kasalukuyan po ay wala akong programa na mailalahad sapagkat hindi pa po namin alam kung ano ang mapapa-assign sa amin pag kami’y nahalal na. Pero ako po ay nakahandang tumulong anumang oras ng pangangailangan hindi lamang sa ating mga kababayan kundi ng lahat ng mga Padovani.

Ang inyo pong mensahe sa Filipino communities in Padua. Ako po ay labis na nagpapasalamat sa suporta sa akin ng Filipino Communities ng Padova. At nagpapasalamat din po ako sa kanilang pagtitiwala sa aking kakayahan kahit po ako ay bata pa. Ipinapangako ko po na pag ako’y pinagkalooban ng Panginoon na manalo sa halalang ito ay gagampanan ko ang tungkulin na maa-assign sa akin. Maraming salamat po. Mabuhay po tayong mga Pilipino sa Italya.

—————

altAko po si Elizabeth Imperial Vergara, 55taong gulang. Ako ay ipinanganak sa San Pablo City Laguna Kasalukuyang naninirahan sa Padova nang 17 taon na. Ako po ay isa sa mga kandidato sa darating na halalan sa Nov 27 sa Padova.

Anu-ano ang mga naging social commitments mo sa Filipino community na syang nagtulak sa inyo upang tanggapin ang bagong hamong ito? I’ve been a member of the Filipino Community for so many years and currently serving as a leader of our group SAPAT (San Pableno Tayo) which was formed for the Filipino Catholic migrant of Padova.

May partikular bang kahilingan ang ating mga kababayan? Isa sa mga bagay na inaasahan ng ating mga kababayan dito sa Padova ay ang maayos na komunikasyon, mga tamang mensahe, impormasyon at balita buhat sa Comune. Bilang isang leader, ito ang nagtulak sa akin sa bagong hamong ito.

Ano ang karaniwang tugon ng ating mga kababayan sa halalang ito? Positibo ang tugon ng mga Filipino sa programang ito at ang bawa’t isa ay inaasam-asam na ang pagsapit ng petsa ng botohan.

Sa palagay nyo po ba ay sapat ang panawagang ginawa sa mga komunidad ng mga dayuhan upang sila ay bumoto? Nagkaroon na kami ng ”encounter” bilang mga kandidato kasama ang mayor ng Padova at ibinalita nya na padadalhan ng sulat ng imbitasyon sa pagboto ang bawat botante.

Maaari nyo po bang ihayag ang inyong programa? Ang wikang PAGKAKA-ISA ng lahat ng Filipino dito ang aking layunin. Maimulat sa kanila ang kahalagahan nito hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa buong kumunidad ng Padova. Para naman sa lahat ng Padovanong Filipino, sana’y balikan nating lahat ang magandang sinimulan ng ating Filipino Community at Filipino Catholic group dahil sa simbahan (chiesa di nativita) natin kinagisnan ang ating kapwa Filipino na matitiyagang nagsilbi at kasalukuyang nagsisilbi sa atin.

Ang inyo pong mensahe sa Filipino communities in Padua. Ang panawagan ko sa lahat ay ito: LET US COME and SUPPORT THE ELECTION. VOTE ON NOV. 27. THANK YOU.

————————-

altAko po si Mabel Malijan. Tapos ng BS in Development Communication Major in Community Boradcasting sa UP  Los Banos. Nagtrabaho bilang Student Assistant sa International Rice Research Institute(IRRI),  Interviewer/Writer sa Philippine Information Agency at Trainor ng Intel Manufacturing sa ating bansa. Kasalukuyan, bilang Household help, Babysitter at Care giver,  Mediatrice Linguistico e Culturale para sa Azienda Ospedaliera  di Padova at ULSS 16 at Facilitatrice Interculturale  para sa Comune di Padova.

Anu-ano ang mga naging social commitments mo sa Filipino community na syang nagtulak sa inyo upang tanggapin ang bagong hamong ito? Ako po ay ang Cultural Officer/Coordinator ng Filipino Community of Padova. Kasalukuyang External Affairs Officer ng Filcompres Veneto at Presidente ng Association of Filipino Workers for Equal Opportunity.

May partikular bang kahilingan ang ating mga kababayan? Ang mayroong matakbuhan ang mga kababayan nating Pilipino na may suliranin tungkol sa trabaho o sa kahit  anong bagay. Totoong may mga labor unions (sindacato), ngunit walang mas gaganda pa kung sa gitna ng ating mga problemang kinakaharap tungkol sa trabaho o amo, isang kapwa  ring pinoy  na  tagalog ang salita  ang lalapitan upang tulungan ka sa iyong problema.  Mas maipapaliwanag mo na ng mahusay ang iyong suliranin, kampante ka pa na hindi ka pababayaan sa harap ng iyong mga suliranin!

Maaari nyo po bang ihayag ang inyong programa?
-Makatulong upang malunasan ang problema sa kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng paglulunsad  ng trainings upang  madagdagan ang skills at kaalaman ng manggagawa. Nais kong i assist ang mga taong nahihirapang makakuha ng  akmang trabaho upang hindi  mauwi sa wala ang ilang taong  ginugol sa pag-aaral sa ating bansa. Itataas  ang mga qualifications natin bilang mga domestic helpers sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga short courses tungkol sa housekeeping at babysitting. Nais ko ring mag offer ng mga caregiving at first aid courses para sa mga kababayan natin na 50 yrs old pataas dahil sila ang mas nahihirapang makahanap ng trabaho sa ganoong edad.Isa pang  proyekto ay ang pag aaral para sa  badante na ibinibigay ng ospital -Tumulong upang lumago pa at maging matatag ang mga organisasyon ng mga Pinoy na naririto sa Padova.  Ito po yung tinatawag nating UNITY IN DIVERSITY. Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba – I would push for a rigid checks and control of case popolari occupied by Italians and foreigners as well, kasi dito sa Padova maraming cases na nakatira sa casa popolare, pero mga naka ferrari at porsche na kotse, which means capable sila magbayad ng rent – Another thing is the reduction of fees for the of renewal of permesso di soggiorno. Masyadong malaki ang itinaas nito kasabay pa ang napakaraming marca di bollo na hinihingi kung may document na kailangang i submit.

Ang inyo pong mensahe sa Filipino communities in Padua. Sa gagawin nating pagboto, piliin po natin ang kandidatong kayang manindigan at ipagtanggol  ang ating karapatan at hindi uupo lamang at tatango sa bawat sabihin ng kanyang kaharap. Isang kandidatong isasaalang-alang ang kapakanan ng lahat.  Siya ang magsisilbing  BOSES NATING MGA PILIPINO.  Mahalaga ang iyong boto. EXERCISE YOUR RIGHT. VOTE WISELY.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano at saan ihahayag ang mga colf at care givers na naka live-in sa questionnaire ng Istat?

Napolitano: “Italyano ang mga anak ng migrante”