in

Kinse na ang UMANGAT

Roma – Abril 22, 2013 – Matagumpay na ipinagdiwang noong nakaraang Marso 24, 2013 ang ika-15 taong anibersaryo ng Ugnayan ng mga Manggagawang Migrante Tun-go sa Pag-unlad (UMANGAT-MIGRANTE) at ika-14 na taong anibersaryo ng Ugnayan sa Himpapawid Radio Program, na ginanap sa lokale ng Gran Madre di Dio Filipino Community sa Ponte Melvio, Rome, Italy. Nakiisa sa nasabing selebrasyon ang ibat-ibang mga Filipino community at organisasyon gaya ng Gran Madre di Dio Fil Com, Sta. Maria delle Grazie Filcom, Cisterna Latina Filcom, Association of Pangasinense in Rome Italy, Tau Gamma Phi Rome Chapter, Task Force OFW, Mabini Hometown Association at iba pang mga indibidwal na tagasuporta gaya nina Konsehales Pia Gonzalez, Romulo Salvador, Bong Rafanan at marami pang iba.

Ang naging tema ng nasabing anibersaryo ay SULONG MGA MIGRANTE IPAGWAGI ANG ATING MITHIIN PARA SA KAGALINGAN NG ATING PAMILYA AT NG ATING BAYAN, na kung saan ito ay nagsisilbing panawagan para sa ibayong pang pagkakaisa sa hanay ng mga OFWs dito sa Roma lalo pa’t papalapit na ang halalan na kung saan ay lalahok ang Migrante Partylist at si Teddy Casiῆo na siyang mahigpit na sinusu-portahan ng UMANGAT-MIGRANTE dahil sa paniniwalang tunay na magtataguyod sa interes ng mga mahihirap at mga migranteng Filipino.

Nagsimula ang nasabing selebrasyon sa isang munting salusalo at pagkatapos ay nagkaroon ng isang maigsing programa na kung saan ay naghandog ng mga katutubong sayaw ang ilang kasapi ng Gran Madre di Dio at Sta. Maria delle Grazie.

Gayundin ay naghandog ng isang awitin si Ms. Queencel Macatangay at ilang mga kabataan mula sa Gran Madre di Dio, Sta. Maria delle Grazie, Mabini Hometown Association at Ci-sterna Latina. Nagkaroon din ng isang maigsing video presentation ng mga naging aktibidad at tagumapy ng UMANGAT-MIGRANTE mula 1998-2013. Nagkaroon din ng pagbasa sa mga mensahe ng pakikiisa mula sa Migrante Europe at Migrante Milan. Nag-pahayag din ng mensahe ng pakikiisa ang ba-wat nagsipagdalong mga Filcom at organi-sasyon at ganun din si Fr. Justin Montanez, SSS ang spiritual director ng Gran Madre di Dio Filcom. Si kasamang Egay Bonson at Ed Mariano ay nagbigay ng ilang mga pananalita ng paggunita sa ika-14 na taong anibersaryo ng Ugnayan sa Himpapawid ang programa sa radyo ng UMANGAT dito sa Roma, Italya.

Nakapiling din sa nasabing okasyon sa pamamagitan ng skype conference si Ka Connie Bragas Regalado ang 1st nominee ng Migrante Partylist upang magbigay ng kanyang mensahe nang paki-kiisa sa ika-15 taong anibersaryo ng UMANGAT-MIGRANTE at tinalakay nya ang plataporma ng Migrante Partylist.

Sa pagtatapos ay nagsama-sama ang lahat ng mga nagsipagdalo at sabay-sabay na inawit ang Ang Bayan Ko, na siyang simbolo ng mahigpit na pagmamahal ng mga migranteng Pilipino sa ating inang Bayang Pilipinas. (ni Alex Reyes)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Design Philippines to Euroluce: Bringing the Art of the Craftsman to Milan

Nagsusuot ka ba ng fake?