in

KITTO, World of Dance Italy 2024 KPOP Division Champion & Crowd Favorite 

Sa murang edad na 16 anyos, si Keith Niño Torallo Portugal, o mas kilala bilang “KITTO,” ay nagpapakita ng husay sa larangan ng sayaw, partikular sa hip-hop. Isinilang sa Rome, Italy, siya ay anak nina Jenny Portugal at Lorenzo Portugal, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Kayse, Kyla, at ang kanyang kambal na si Klyde. 

Sa panayam ng Ako ay Pilipino, ibinahagi ni Kitto ang kanyang pagmamahal sa sining ng sayaw at ang kanyang interes sa hip-hop dancing.

Sa totoo lang, hindi ko po masyadong maalala kung paano at kailan ko natuklasan ang aking talento sa pag-sayaw, naalala ko lang na humanga ako nang mapanood ko ang isang video ng Les Twins sa YouTube. Doon po siguro nagsimula ang lahat,” sabi niya.

Simula pa noong maliit pa sila ng kanyang kambal, nag-aral sila sa isang scuola di danza na tumulong sa kanilang ma-develop pa ang kanilang talento. Marami na ring kumpetisyon ang sinalihan ng kambal at kanilang inuwi ang tagumpay. 

Ang pagsasayaw ang tumulong sa akin na maniwala na walang bagay na hindi ko kayang gawin kung hindi ko ito susubukan nang paulit-ulit hanggang sa maging kuntento ako,” dagdag niya.

Kamakailan lamang, nagwagi si Kitto sa World of Dance Rome – KPOP Division noong Abril 20, 2024, kung saan siya ang tinanghal na first place sa halos 30 dancers na naglaban-laban sa KPOP Category. Siya rin ang tinanghal na Crowd Favorite sa parehong kategorya. 

“Sinceramente ho sentito come se tutte le mie insicurezze fossero diventate un punto di forza” ayon kay Kitto.

Ilang araw umano bago ang World of Dance Italy competition, ay naharap si Kitto sa pagsubok – hindi pa handa ang kanyang music at nakaramdam ng insecurities sa kanyang mga steps. ” Ang paghahanda ko para sa competition ay puno ng pangamba, ngunit lahat ng iyon ay nagbunga ng tagumpay. 

Lubos ang pasasalamat ng binate sa kanyang pamilya at mga kasama sa Hermes Dance Crew, na naniniwala at sumuporta sa kanya mula umpisa hanggang wakas. Partikular, “kay kuya Giancarlo na naniwala sa aking kakayahan at kay Channel na mahalaga para sa akin at palaging nasa tabi ko sa mga panahong gusto ko nang mag-give up”, aniya.

Lubos naman ang tuwa at proud na proud sina Jenny at Lorenzo sa kanilang mga anak. “Kapag nakikita namin silang nagtatagumpay sa kanilang mga hilig, ito ay nagdudulot ng kaligayahan sa amin. Ang kanilang kasiyahan ay aming kasiyahan din,” sabi ni Jenny. Para sa kanila, ang pinakamahalaga ay makitang masaya ang kanilang mga anak sa kanilang ginagawa.

Siguradong marami pang susunod na kumpetisyon si Kitto, bagaman hindi pa tiyak ang kategorya, siguradong maghahanda siya upang makamit muli ang tagumpay. Patuloy niyang pinatutunayan na sa pamamagitan ng determinasyon at pagmamahal sa sining ng sayaw, ay maaabot niya ang mga pangarap at magagawa ang mga bagay na dating akala’y hindi posible.

Sa kasalukyan, ay lalong pinalalalim ni Kitto ang husay sa pagsasayaw sa ilalim ng International Creative Hub (ICH) na isang three-year professional training sa Elle Studio sa Roma. 

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 5]

Re Salvador, isang Inspirasyon sa Industriya ng Pelikula at Telebisyon

Pagbibigay-pugay sa Watawat ng Pilipinas sa Araw ng Kalayaan sa Embahada ng Pilipinas sa Roma