in

Knights of Rizal Europe, matagumpay na nagdaos ng ika-6 na European Regional Assembly sa Belgium

“Europe in Solidarity in Rizal’s Vision”, ang tema ng ginanap na Order of the Knights of Rizal 6th European Regional Assembly noong Agosto sa Belgium. 

 

Brussels, Belgium – Matagumpay, matatag at solido ang pagkakaisa kung ilalarawan ang ginanap na Order of the Knights of Rizal 6th European Regional Assembly noong ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto. 

Sa temang “Europe in Solidarity in Rizal’s Vision”, ang pagdiriwang ay pinangunahan bilang host country ng Knights of Rizal Belgium sa pamumuno ng masipag na Europe Regional Comammder na si Consul Antonio S. Guansing, KGCR at Felino W. Paras, KGCR bilang tagapamatnubay. 

Dinaluhan ito ng representatives mula sa Supreme Council sa pangunguna ng Supreme Commander na dating Supreme Court Chief Justice Sir Reynato S. Puno Sr, KGCR; Deputy Supreme Commander Sir Diosdado “Dave” Santos, KGOR; Supreme Auditor Sir Reynaldo Malig, KGOR; Deputy Supreme Pursuivant Sir Rene Elias Lopez, KGOR; Deputy Supre Exchequer and Overseas Representative Sir Jaime Marasigan, KGOR at USA Regional Commander Sir Francis Sison, KGCR.

Binuksan ang unang araw ng asembleya sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Dr. Jose Rizal at sama-samang pagpupugay ng mga kinatawan ng Knights of Rizal mula sa ibat-ibang panig ng Europa, Pilipinas, United States of America, Canada at Australia sa ating pambansang awit sa Embahada ng Pilipinas sa Brussels. Sa invocation mula kay Rev. Fr. Carmelo Horlador at welcome remarks mula kay Charge d’Affaires Consul General Alan L. Deniega sa pagbubukas niya ng 6th KOR Europe Assembly.

Naging masigla ang pagdiriwang sa mga naging mensahe at pananalita ng bisitang pandangal Supreme Commander, Sir Reynato S. Puno Sr, KGCR. Nagtapos ang unang araw ng assembly sa isang masayang hapunan sa Philippine Embassy kasunod na nagawaran ng certificate of appreciation sina Sir Olaf baron van Boetzelaer at Sir Ronny de Blaere sa kanilang mga naging kontribusyon sa okasyon.

Marivaux Hotel: Ginanap sa makasaysayang sinehan na ito ang ikalawang araw ng assembly at binigyang kulay ni Rev. Fr. Paul John Camiring sa kanyang talumpati ang KOR Europe in Solidarity with Rizal’s Vision na umani ng maraming papuri at palakpakan mula sa mga nakapakinig sa okasyon.

Sinundan din ito ng State of the Area Reporting mula sa iba’t-ibang mga Area Commander ng Europe mula kina Carlos M. Simbillo ng Italy, Generoso “Jim” Rebong ng Belgium, Angel Palomar ng Germany, Alfonso Taguiang ng United Kingdom, Noubikko Ulanday ng Czech Republic at Jessie Umali ng France. 

Nagbigay ng kanilang mahahalagang mensahe sina Europe Region Commander Consul Antonio S. Guansing at Supreme Commander Sir Reynato S. Puno, Sr. at sinundan ito ng seremonya ng Knighthood/Exaltation/Conferment/Awards.

Ginawaran ng 4th Degree Rank bilang Knight Grand Officer of Rizal sina Rev. Fr. Jorgedy Bago at Generoso Rebong mula sa Brussels Belgium, Jessie Umali at Leo Mojica mula sa France, Atty. Mel Garraton na nagmula pa sa Texas, USA at Carlos M. Simbillo mula sa Italia. 

Sa gabi ng pagkilala ay binigyan ng Kababaihang Rizalista Lifetime membership award si Lady Aurea Taguiang ng UK at gayundin ang iba pang mga awardees at nataas ng ranggo mula sa Supreme Commander. 

At ang huling tagpo bago magtapos ang makasaysayan okasyon ay ang pagkilala sa pag-gawad ng 5th Degree Rank o Knight Grand Commander of Rizal para sa Europe Regional Commander Consul Sir Antonio Guansing, KGCR na binigyan ng masigabong pagbati para sa kanyang tinanggap na pinakamataas na antas mula sa delegasyon ng Knights of Rizal dahil sa kanyang dedikasyon at naging kontribusyon sa Order. Naging tagapagsalita at tagapagpakilala sa mga programa sina Sir Lino Paras, KGCR at Sir Domenik Segaert, KGOR.

Nagtapos sa ika-3 na araw ang assembly sa isang Misa ng Pasasalamat sa Saint Mary Mother of God Church, na pinangunahan ng tatlong Pilipinong pari na sina Rev. Fr. Jorgedy Bago, Fr. Apollo at Rev. Fr. Carmelo Horlador na sinundan ng isang simpleng tanghalian sa simbahan at ang panghuli ay ang pag-awit ng Pilipinas Kong Mahal. Sinundan ito ng side trip sa Brussels, Belgium kung saan ay nagbigay ng maikling kuwento ng kasaysayan at pananalita sina Sir Lino Paras at Sir Reynato Puno Sr. sa harap ng isang marker sa harap ng apartment na naging tirahan ni Dr. Jose Rizal sa Brussels Belgium noong panahon na kinukumpleto ni Dr. Rizal ang ikalawang nobela niya na El Filibusterismo. Binigyan din ng pagkilala ng mga taga-Belgium ang nasabing Knights of Rizal 6th Europe Assembly sa pamamagitan ng paglagay ng Pilipinong kasuotan ang tanyag na Manneken Pis na kanilang inihandog para sa kanilang ginanap na okasyon.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan nina Augusto Cruz Chapter Commander ng Roma, Arman Cruz Deputy Chapter Commander ng Firenze, Henry Amboy Chapter Commander ng Cagliari, Gerry Adarlo Chapter Commander ng Modena at Domenico Marciano Chapter Commander ng Reggio Calabria kasama rin sina Lady Winnie Crisostomo Corona ang Presidente ng Kababaihang Rizalista Inc. ng Modena Italy, Lady Mary Ann Abarintos Bise Presidente ng Las Damas de Rizal Reggio Calabria at representative ng KOR Italy, Romy la Fuente ng Messina at Virgilio Garcia ng Cagliari. Elevated to the 3rd Degree Rank, KCR Louisito Atienza Mario Villanueva. 

 

ni Carlos Simbillo 

mga larawan mula kay Lourdes M. Cunanan

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Schengen area border control ng 3 taon, nais pahintulutan ng EU

Pangkalahatang Asembliya ng OFW Watch Tuscany Tsapter, mabunga at makabuluhang pagtitipon