in

Knights of Rizal sa Europa, nagtipon sa Italya

Florence, Sept 3, 2014 – Matagumpay na idinaos sa Firenze at Roma ang Order of the Knights of Rizal – 5th European Regional Assembly noong Agosto 28-31,2014.  Mahigit sa 150 ang mga dumating buhat sa mga KOR chapters ng  Philippines, Great Britain, Germany, Belgium, France, Czech Republic,  U S A, at Italy. Bukod sa Knights of Rizal ay dumalo din ang mga kinatawan ng mga Corporate Associations tulad ng Kababaihang Rizalistas at Las Damas de Rizal sa Auditorium ng Sant' Apollonia sa tulong kaloob ng Regione Toscana at dinaluhan ni Consigliere Eugenio Giani na nagbigay ng ilang mga pananalita tungkol sa ating bayaning si Dr. Jose Rizal.

Sa kaunahang pagkakataon ay dumalong kumpleto ang Supreme Council na nag buhat pa sa Pilipinas na pinamumunuan ni Jeremias German Crisologo Singson, KGCR Supreme Commander; Avelino Volante Torres, KGOR Supreme Chancellor; Maximo Salazar, KGOR Supreme Pursuivant; Reynaldo San Juan KGOR Supreme Archivist at Antonio Templanza Manzano KGCR Supreme Auditor. Bukod sa kanila ay dumalo din ang mga dating pamunuan ng organisasyon. Ang pagtitipon ay buong sipag na inorganisa nina Carlos Simbillo, KCR Chapter Commander ng Firenze; Dennis Reyes, KOR Firenze Deputy Commander at Romulo Salvador KCR  Chapter Commander ng Roma sa tulong at payo nina H.E. Ambassador Sir Virgilio Reyes Jr. KGOR , PHL Hon. Consul General Dr. Fabio Fanfani, KCR, Firenze Chapter Adviser, Rudy Nollas, KGOR Regional Commander – Europe, Cesar Alcoba KGOR- incoming Regional Commander for Europe at Lino  Paras KGCR, Adviser and over all coordinator ng nasabing pagtitipon.

Naging pambungad ng Assembly ang isang Exhibit ng mga nanalong obra sa 2014 International Painting Contest “Life of Dr. Jose Rizal in Europe na ginanap at inilibot sa Belgium, Germany, Switzerland, UK, Austria at Italia na inorganisa ni Mr. Virgilio Cuison Managing Director ng KUNST Gallery. Tampok ang nanalong obra ni Filipino Artist Sherwin Paul Gonzales atbp.

Sa unang araw na pormal na binuksan ni Sir Jerry Singson KGCR at H. E. Ambassador Virgilio Reyes Jr KGOR ay ipinahayag ng supremo ang kanyang mainit na pasasalamat sa lahat ng miyembro ng samahan at ipinaliwanag din niya ang kanyang plataporma sa loob ng dalawang taong panunungkulan. Isa sa kanyang mga adhikain ay ang magkaroon ng maayos na sistema ng komunikasyon buhat sa supreme council hanggang sa pinaka mababang antas ng samahan na lalong higit doon sa mga naninirahan sa labas ng bansang Pilipinas. Binigyang diin niya ang tama at edukadong paggamit ng mga social media bagamat ito ay mabilis at epektibo ay nanatiling hindi opisyal na pamamaraan ng pagpapalaganap ng mga balita , kilos at kautusan sa mga kasapi. Sa bandang hapon ay nagkaroon naman ng pormal na seremonya sa pagbibigay ng Distinguished Medal Award, Exaltation to KCR Title at Conferment Of KGOR.

Bago pa man, noong Agosto 26 ay iganawad ng supremo ang titolong KGOR sa ating Ambassador kasabay na rin ng Tree/seedling planting sa hardin ng embahada. Sipres ang magkatulong nilang ipinunla bilang pagsunod sa ating bayaning si Gat Jose Rizal kung saan nabanggit nito ang nasabing puno sa isa sa kanyang mga tula. Noong araw ding iyon ay nakipagpulong at dumalaw ang Supremo sa Tanggapan ng Presidente ng mga Kabalyeros ng Pantheon sa pakikipagtulungan ni Ferdinando Marchiani KCR- Frosinone, ang unang chapter sa Italya na all-italian ang mga kasapi. Naging mahalaga ang pagdalaw ng delegasyon sa Pantheon dahil sila ay pormal at opisyal na tinanggap ng mga kinatawan ng Kabalyero ng Pantheon upang ipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing lugar. Noong araw din yaon ay nakipagpulong at dumalaw ang Supremo sa Tanggapan  ng Presidente ng mga Kabalyeros ng Pantheon sa pakikipagtulungan ni  Ferdinando Marchiani KCR- Frosinone , ang unang chapter sa Italya na all-italian ang mga kasapi. Naging mahalaga ang pagdalaw ng delegasyon sa Pantheon dahil sila ay pormal at opisyal na tinanggap ng mga kinatawan ng Kabalyero ng Pantheon upang ipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing lugar.

Sa ikalawang araw ay ipinagpatuloy ng asembleya ang talakayan upang higit pang mapalakas at maging mabisa ang presensya ng samahan sa buong Europa. Nagbigay ng isang Group Dynamics session ukol sa komunikasyon si Maximo Salazar KGOR bilang pagtugon sa programa ng supremo. Nagkaroon ng video presentation para sa mga inspirational message mula kina Elijah Paul Villanueva ng UK at Michael Charleston ”Xiao” Chua ng Pilipinas.

Nabigyan ng Distinguished Service Medal mula sa Roma sina Michele Piacentini at Romulo Salvador, KCR Chapter Commander. Sa Firenze ay tumanggap din ng Distinguished Service Medal sina Carlos Simbillo, KCR Chapter Commander; Dennis Reyes, KOR Deputy Commander; Leandro Piñon, KOR Exchequer at Arman Cruz, KR Member. Kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ay sina Lucien Spittael, Felipe Yap, Jr. sa Lifetime Member; Werner Filsinger , KCR at Area Commander for Germany ; Alfonso Taguiang, KGOR para sa awarding ng KGOR Rank and Sash; Elevated to Knight Commander of Rizal sina Ferdinando Marchiani, KCR ng Frosinone at Gerry Adarlo, KCR ng Modena Chapter bilang mga bagong hirang na Chapter Commander. 

Bandang hapon ng ipinahayag ng Supremo ang mga bagong pamunuan sa Europa na sina Cesar "Bhoy" Alcoba, KGOR bilang Regional Commander at Alfonso Tagiuang, KGOR bilang Deputy Commander.  Noubikko Ulanday bilang Area Commander for Czech Republic at Enoli Ramos, KCR Area Commander for UK.

Sa Italy ay hinirang naman sina Romulo Salvador KCR bilang Area Commander at Carlos Simbillo, KCR bilang Area Deputy Commander for Italy . Kabilang sa mga bumubuo ng Italy Chapter commanders ng Italy ay sina Ferdinando Marchiani KCR – Frosinone, Henry Amboy KCR – Cagliari, Hon. Consul Domenico Marciano KCR- Reggio Calabria, Gerry Adarlo KCR- Modena at Emerson Malapitan KCR Modena adviser at bilang kauna-unahang Knight at chapter commander sa Buong Italya na sa kasalukuyan ay binubuo ng anim na Chapters mula sa Italy, ito ay ang Modena, Roma, Cagliari, Firenze, Frosinone at Reggio Calabria.

Sa ikatlong araw ay maagang lumisan ang delegasyon patungong Roma upang tahakin ang mga magagandang lugar na nilakbay sa siyudad na nabanggit ng Pambansang Bayani sa kanyang liham sa ina at sa kaibigang si Blumentritt. Sinimulan sa pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose P. Rizal sa Piazza Manila. Sumunod ay nagtungo sa mga lugar tulad ng Colosseum, Fori Imperiali, Campidoglio at Piazza Venezia. Idinaos ang tanghalian sa convento ng Società del Verbo Divino sa malugod na pagtanggap ni Fr. Pauilino Belamide , Rector ng SVD. Ang programa sa Roma ay pinamahalaan ni Augusto Cruz KR Deputy Commander ng Rome Chapter at Pia Gonzalez.Tumulong din sa kabuuan ng programa sina Joselito Viray KR at Joselito Rebong KR ng Roma at ang mga kandidatong maging miyembro ng kapitulo ng Roma. Matapos ang programa ay nagtungo ang delegasyon sakay ng dalawang service bus sa Vaticano at sa St. Peter’s Basilica at muling bumalik sa Firenze.



Sa ika-apat at huling araw ay nagtungo ang lahat sa Cattedrale di Santa Maria del Fiore at sa Sala Brunelleschi, Palaggio Parte Guelfa, Comune di Firenze sa tulong ni Assessor Sara Funaro Council of Welfare, Integration and Equal Opportunity, Philippine Consul General Fabio Fanfani at KOR Firenze Chapter Adviser, Dott. Comm. Franco Biagini ang responsabile sa Palazzo di Parte Guelfa. Sa araw ding iyon ay nagbigay ng mensahe ang bawat Regional Commanders atmga matataas na kinatawan ng KOR mula sa iba’t-ibang panig ng Europa at USA tulad ni Eddie Limon KGOR  bilang speaker, Honorary Consul sa Toscana Fabio Fanfani KCR, Carlos Simbillo KCR sa mga tumulong sa matagumpay na asembleya sa Firenze. Pormal na nagtapos sa isang napaka-makahulugang Fraternal message mula kay Virgilio Esguerra KGCR, ng Council of Leaders at dating Supreme Commander. (Tomasino de Roma)

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SUMMER ART WORKSHOP, ISINAGAWA SA BOLOGNA

Dayuhang mag-aaral. Maaaring magpatala sa Servizio Sanitario Nazionale?