in

Knights of Rizal sa ika-107 Anibersaryo sa Firenze

Dinaluhan ng mahigit 100 delegado mula sa buong Europa ang ika-107 Anibersayo ng KOR sa Firenze.

Firenze, Disyembre 3, 2013 –  Umabot sa mahigit 100 na delegado ang dumating mula sa ilang bansa ng Europa na kinabibilangan ng Belgium, France at Italya sa selebrasyon ng ika-107 na anibersaryo ng Knights of Rizal sa Europa at buong mundo na ginanap noong ika-16 ng Nobyembre 2013 sa Firenze, Italy.

Dumating ang halos lahat ng mga importanteng panauhin na nagbigay ng kanilang mensahe at paggalang katulad ni H.E. Ambasador Virgilio Reyes, Jr. na kasapi at opisyal ng KOR, si Sir Lino Paras, KGCR, na nagmula pa sa Belgium , Dr. Fabio Fanfani, Adviser ng KOR Firenze Chapter  at marami pang iba. Dumating din at naglahad ng kanilang mensahe at pagbati ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Firenze at rehiyong Toscana.

Maraming gawain ang naisakatuparan ng Knights of Rizal sa buong araw na selebrasyon. Isa na dito ang Chartering at knighting ceremony kung saan nailagay sa knighthood ang mga bagong miyembro at  nanumpa sa katungkulan ang mga bagong opisyal at miyembro ng Knights of Rizal ng Firenze at Frosinone Chapter. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga leaders na bumubuo sa Confederation of Filipino Community in Tuscany na manumpa sa katungkulan sa pangunguna nina Ambassador Reyes at Consul Fabio Fanfani.

Unang pagkakataong ganapin sa Firenze ang nasabing napakalawak at importanteng  pagtitipon pagkatapos ng  di pa nalalaunang pagkakatatag ng Knights of Rizal Firenze Chapter.  Ganoon pa man ay  naging matagumpay ang pagtitipon. Salamat sa matiyagang paghahanda ng KOR Firenze sa pangunguna ng kanilang bagong Chapter Commander na si Sir Carlos Simbillo at sa matiyagang pagtulong ng bagong president ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany na si Vinia Capalad.

Layunin ng Knights of Rizal na ipamana at maitanim sa mga puso ng mga kabataang Pilipino at sa mga susunod pang mga lahi ang mga magagandang halimbawa, kaisipan at gawain ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal noong siya ay nabubuhay pa.

Sa mga nakasaksi sa pagtitipon ay masasabi nilang malayo na ang nararating ng mga Knights of Rizal. May mga nabuo na ring Kababaihang counterpart ng KOR na tinatawag na Ladies of Rizal.  Sa katunayan ay dumalo din  sa selebrasyon ang mga Ladies of Rizal ng Modena ng Italya at Cannes ng Pransiya. Mas nakakabilib pa ang katotohanan na may isang KOR na mga Italyano ang miyembro, ang Frosinone chapter na sa katunayan ay opisyal ding nailagak sa knighthood  kasabay ng Firenze Chapter.  Maging ang kagalang galang na Philippine Honorary Consul ng Florence ay nakianib at kabilang sa mga  nabasbasan sa simbolikong seremonya sa knighthood na ginanap ng araw ding iyon. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SICK LEAVE NG DOMESTIC WORKERS

UNAR sumagot sa hinaing ng komunidad laban kay Bonolis