in

KNIGHTS OF RIZAL sa Modena, nagdiwang ng ika-7 Anibersaryo

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng KNIGHTS OF RIZAL (KOR) sa Modena, sa kanilang ika-pitong taong anibersaryo. Mula sa mga sangay nito sa iba’t ibang siyudad at bansa, nagsidalo sila at nagbigay-pugay  sa ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.

Ang selebrasyon ay ginanap sa Circolo degli Anzianivia Leonardo da Vinci  sa Modena at naging panauhing pandangal si POLO Labor Attache Corinna Padilla-Bunag kung saan ay binasa din niya ang ipinadalang  mensahe ni PCG Milan Consul General Irene Susan Natividad.

Naging  tagapagsalita din si Mercedita De Jesus, taga-pangulo ng Filipino Women’s League ng Bologna at kasalukuyan ding Kalihim ng pambansang organisasyon ng OFW WATCH Italy. Ipinarating niya ang pagbati ng pangulo nito na si Rhoderick Ople.  Naging paksa niya ang kasabihang pinapahalagahan ng grupo ng KOR, ang “Non Omnis Moriar” na nangangahulugan sa salitang Pilipino na “Hindi ang lahat sa akin ay mamamatay”. Isang linya na hango sa tulang sinulat ni Horace, isang makata mula sa Roma noong panahong 65 BC-8BC. At ang kasabihang ito ay malaki ang naging kaugnayan sa buhay ni Rizal na maging magpahanggang sa ngayon ay masasabing napakahalaga ng kanyang naging kontribusyon at impluwensiya  sa ating bansa.

Nagbahagi din ng kanilang mga pagbati ang mga panauhing  sina Sir Lino Paras KGCR na over-all adviser sa Europa, Sir Albert Arevalo KGOR Regional Commander ng Belgium at  Area Commander Sir Jim Rebong KGOR. Naroon din sina Cagliari Chapter Commander Sir Virgilio Garcia KCR, Cagliari Chapter Former Commander Sir Henry Amboy KCR, Cagliari deputy Commander Sir Numer Dalisay KOR, Reggio Calabria Chapter member Sir Giacomo Cerasomma KOR , Modena Chapter Commander Sir Dioniso Adarlo KCR , Deputy Area Commander Sir Gerry Adarlo at ang  Kababaihang Rizalista sa pamumuno ni Lady Winnie Crisostomo.

Ang selebrasyon ay sinuportahan din ng mga grupo ng FEDAFILMO, Mabinians, Modena Eagles Club, Milan Chapter members, FWL at ALAB Bologna

Tampok din ng araw na iyon ang Chartering o pagtatalaga sa bagong tsapter ng KOR sa Milan na pinamumunuan ni Sir Paul Buenconsejo KCR at ang mga bagong kasapi nito at ng KOR Modena. Nagkaroon din seremonya para sa mga miyembro na nataas na ang antas at kinabitan ng medalya ng kani-kanilang esposa.

Nagpamalas din ng galing sa pagsayaw ang grupo ng Modena Eagles Club at katutubong sayaw naman mula sa Kababaihang Rizalista.

Lalong naging masigla ang selebrasyon dahil sa masayang guro ng palatuntunan na si Sir  Ian de Austria Atienza KCR. Ang masaganang pagkain ay mula sa catering service ni Virgilio Aguilar, stage design ni  Ivan Castillo at ang sounds ay pinangasiwaan ni Sir Dennis Ilagan KCR.

Sa lahat ng miyembro ng Knights of Rizal, ipagpapatuloy nila ang pagpapalaganap sa mga aral ng ating bayani, para manatiling buhay ang kanyang alaala at manalaytay sa dugo ng mga bagong henerasyon ang pagiging maka-Diyos, makatao at makabayan.

 

Dittz Centeno

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, umamin sa ginawang pagnanakaw sa employer

Bologna Ilocano Warriors, Kampeon sa OFW Watch One-day Basketball League