in

Know your rights seminar, inilunsad para sa mga OFW sa Milan

altMILAN, Italy.  Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad ng mga ahensya ng gobyierno ang isang seminar kaugnay sa mga karapatan ng mga migrante noong Marso 25, 2012 sa Immaculate  Conception Church, Piazza Frattini, Milan.

Kakaiba’ng proyekto ito kumpara sa  Italian language course, free computer  training program, massage and theraphy course, at iba pa na inilulunsad ng mga ahensya ng gobyierno. 

Sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare (OWWA), Philippine Overseas Labor Office (POLO),. Philippine Consulate General Milan at sa pakikipagtulungan ng mga Filipino communities,  naidaos ang isang talakayan kaugnay sa mga  pangunahing karapatan ng mga  manggagawa’ng nasa ibayong dagat.

Ito ay hiniling ng Migrante Milan at mga  lider ng Filipino communities sa mga nauna nang pakikipag diyalogo  sa mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyierno na nakabase dito sa Milano.

Dumalo sa pagtitipon sina Consul General Lourdes Tabamo, Labor Attache Anabelle Oliveros,  Welfare Officer Lilia de Guzman, PCG- Legal Officer Atty. Ruel Garcia, Claudia Marcolini na tumalakay sa mga pangunahing batas ng Italya kaugnay sa migrasyon at ang kinatawan ng Associazione Poliziotti Italiani na tumalakay sa mga police matters.

altKabilang sa mga tinalakay ang Republic Act  8042 na inamyendahan ng RA10022,  sampung (10) mahahalagang karapatan ng Migrante,  mga responsibilidad ng OFWs sa  host country gayundin ang police matters at mga pangunahing batas sa Italya na nakakaapekto sa mga OFWs.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga OFWs na makapag tanong at linawin mula sa mga kinatawan ng  gobyierno ang ilang mahahalagang  isyiu  na  may kinalaman sa mga serbisyo at benepisyo’ng  nararapat sa isang migrante.

Dumating din ang ilang kinatawan ng Italian agencies para talakayin ang hinggil sa police matters at ang mga pangunahing batas sa paggawa at migrasyon ng Italya .

Nagkaboses din ang  migrante kung saan ipinaliwanag ng mga ito ang sampung mahahalagang karapatan ng dayuhang manggagawang Pinoy.

Sinabi ni Edwin Bigcas, Chairman ng Migrante Milan na buong puso silang sumusuporta sa pagtitipon ng mga OFW.  

“Ito ang pagkakataong matutunan natin ang mga batas para sa ating mga OFW bagay na siyang ipinagkait sa atin sa mahabang panahon. Naniniwala kami na ang pagbibigay ng sapat na kaalaman hinggil sa mga batas, at mga demokratikong karapatan ng mga OFW ay tungkulin ng pamahalaan na dapat pantay na ipinagkakaloob sa lahat ng mga OFW nang walang kabayaran bago pa man lumisan ng sariling bayan” ayon pa kay Bigcas

Bagamat bitin sa oras, tulad ng inaasahan, nagkaroon ng mainit na palitan ng mga posisyon sa open forum.

Aminado ang mga dumalo na malaking bagay ang paminsan-minsan ay naglulunsad ng mga ganito’ng  seminar, talakayan o anupaman para mabatid ang mga kahilingan at mga obligasyon ng bawat panig.

Umaasa sila sa pagkakaroon ng isang tunay na konbensyon kung saan magkakaroon ng mga resolusyon  sa mga problemang nailahad. (Zita Baron at larawan ni Richie Juan)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

More than 60,000 troop to Stramilano, Pinoys included

Mutya ng Pilipinas Italy 2012, isang tagumpay