in

Kombensyon ng mga Saksi ni Jehova sa Wikang Tagalog para sa Buong Europa

Roma, Agosto 4, 2015 – Tinatayang aabot sa 3239 ang mga Saksi ni Jehova at mga interesado ang dumalo sa Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Roma na ginanap mula 24 hanggang 26 ng Hulyo 2015. Marami ang nagbuhat pa sa labas ng Italya, mula sa mga bansang kagaya ng Pransya, Alemanya, Espanya, Gresya, Belgium, Cyprus at England.

 

Ang tema sa nasabing asambleya ay “Tularan si Jesus” at ang marami pang mga katangian ni Jesu-Kristo na karapat-dapat na tularan ang tinalakay.

Sa araw ng Sabato, 46 ang nabautismuhan bilang mga bagong Saksi ni Jehova. Ang ilan sa kanila ay gumawa ng malaking pagbabago sa kanilang buhay upang tularan si Jesus.

Sa katunayan si Pat, ang lalaking nakatira sa Lecco, ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya noong 2013. Marami siyang bisyo katulad ng paninigarilyo, droga,  paglalasing at iba pa. Noong una, hindi siya masyadong nakinabang sa kanyang pag-aaral dahil nakaugnay siya sa kongregasyon sa wikang Italyano at sa Italyano ginagawa ang kaniyang pag-aral. Subalit, nang malaman niya na may Tagalog na kongregasyon sa Milano, naging handa siyang maglakbay ng 40 minutos sa kotse o 2,5 oras naman sa tren, para mag-aral ng Biblya sa wikang Tagalog. Bilang resulta, sa loob ng iilang buwan lamang ay inalis niya ang lahat ng kanyang bisyo at naging kuwalipikado para sa bautismo sa kombensiyon.

Bukod sa malalaking kombensiyon katulad ng nabanggit, mayroong mga lingguhang pagtitipon ng mga Saksi sa wikang Tagalog sa iba’t ibang bahagi ng Italya at ng Europa.

Ang offial website ng mga Saksi ni Jehova, www.jw.org, kung saan posibleng makita ang mga kinakailangang impormasyon ukol sa pinakamalapit na pagtitipon.


 

nina: Eduardo Maresca, Matteo Romeo at Jorg Puttkammer

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW WATCH ITALY, naglunsad ng Leadership Training and Workshop Seminar sa Turin

Permit to stay, ang halaga sa renewal nito