in

Komunidad ng Filipino, nakiisa sa Carnevale sa Firenze

Halaw sa kultura ng mga Pambansang Minorya sa Pilipinas, nagpamalas ng galing sa pagtatanghal ang mga kababaihan sa Firenze. Kumbinasyon ng makabago at tradisyonal na indak at pilantik ng mga kamay, gamit ang isang etnikong akompanyamento, pinalakpakan ang presentasyon ng mga pilipinong mananayaw. Umani ng papuri at paghanga mula sa mahigit 1,500 manonood sa ginanap na Carnevale ng Quartiere 4, sa Firenze.

Ipinaliwanag ng Pangkalahatng Kalihim ng Ofw Watch Tuscany, Maria Elizabeth Bathan ang inspirasyon ng naturang katutubong sayaw. “Hinango ito sa galaw ng mga hayop, isinasagawa sa isang ritwal, katatapos na anihan at mga pagtitipon tulad ng kasal at pag-aalay”. Nagpasalin-salin ito sa henerasyon. Hanggang sa ngayon ay itinataguyod pa rin sa mga komunidad ng minorya sa Pilipinas. Bagama’t may mga pagbabago sa mga kasuotan, mga hakbang at galaw – masasalamin pa rin ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kulturang kinagisnan.

Tema ang “Carnevale para sa Kapayapaan”. Sinabi ng Presidente ng Quartiere 4, “napakaganda at matagumpay ang naganap na piyesta, kaya nais ko kayong pasalamatan. Ang mga lahi, kulay, lengwahe, awitin, maskara, kasuotan ay walang pagdududa na ang kasiyahan ay walang hangganan na maaring magtakda. Patunay ng isang matatag na patrimonyo sa sangkatauhan at kultura”, aniya ni Mirko Dormentoni.

Sa pangunguna ng Presidente ng Ofw Watch Tuscany na si Mely Ople, naipakilala sa kapwa migrante sa Italya ang kahalagahan ng integrasyon at kultura para sa lahat. Kasama sa palatuntunan ang mga bansa na nagmula sa Sri Lanka,Capoverde, Japan, Columbia, Peru, Ucraina, Georgia at mga grupong boluntaryato at Kinder Garden.

(Karugtong ng artikolo matapos ang mga patalastas)

Nagsimula ang programa mula sa isang parada mula sa Piazetta Isolotto hanggang Parco Vogel kung saan ginanap ang presentasyon ng mga grupo. Naging makulay, masigla, maingay at agaw pansin sa mga nanonood mula sa bintana ng kani-kanilang tahanan ang ibat-ibang simbolo, effigie at sagisag ng kapayapaan. Maging ang mga bata ay nagsuot ng mga kostyum at maskara. (ni: Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Toll Free Number 1500, pinaigting ng Ministry of Health

Sa gitna ng paghahanap kay Pasyente “O”, 2 bagong kaso ng Covid-19 naitala sa Firenze