Inilarawan ang labor and employment status ng komunidad, pati na rin ang mga benepisyong nauugnay dito, sa ginawang report ng Ministry of Labor and Social Welfare.
Roma – Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng report, ayon sa www.integrazionemigranti.it, higit na inilalarawan ng mga kababaihan – dahil sa kanilang bilang – ang migrasyon ng mga Pilipino sa bansa, na karaniwang tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilya. At ayon sa mga ginawang pag-aaral ay natuklasan ang pagiging ‘malakas’ ng buong komunidad sa service sector na sumasaklaw sa 94% ng workforce ng komunidad, partikular ang service to person na sumasaklaw sa 70%.
Ang kinikilalang husay ng mga Pilipino sa sektor, sa kabilang banda ay naging proteksyon ng komunidad sa panahon ng krisis sa ekonomiya na patuloy na nagpapahirap sa bansa ilang taon na. Ang service sector, sa katunayan, ay hindi gasinong naapektuhan nito at ito ay mapapatunayan sa mataas na employment rate ng komunidad, 81,3%. Ito ay ang pinkamataas na antas ng lahat ng mga non-EU communities habang ang unemployment rate naman ay maituturing na mas mababa, 6.4% kumpara sa mga non- Europeans na 16.7%.
Sa katunayan sa taong 2015, ay umabot sa 46.594 ang job registration (rapporto di lavoro) ng komunidad, mas mataas ng 6% kumpara sa nakaraang taon.
Dahil dito, hindi isang pagkakataon lamang na kakaunti lamang sa mga Pilipino ang tumatanggap ng tulong pinansyal o ang ‘integrazioni salariali’ buhat sa Inps (ito ay kinikilala sa kaso ng suspension o underemployment). Sa katunayan, 716 mga Pilipino lamang ang tumanggap ng nabanggit na social benefit o ang 1% lamang ng mga beneficiaries. Maituturing na isang napakaliit na porsyento dahil ang mga Pilipino ay kumakatawan sa 8% ng non-EU workforce sa sektor.
Kahit sa unemployment allowance o ang indennità di disoccupazione ay makikitang mababang bilang ang tumatanggap na Pinoy o ang 2.9% lamang (katumbas ng 11,419) kumpara sa kabuuang bilang ng mga beneficiaries nito. Partikular, sa bilang na 11,419: 55.2% ang tumanggap ng ASPI (Assicurazione Sociale per l’Impiego), 9.8% MiniASPI at 30% ang tumanggap ng NASPI (Nuova Prestazione di assicurazione sociale per l’impiego) na sinimulan noong Mayo 2015.
Bagaman protektado ang employment sa nagdaang taon, hindi naman nakaligtas ang komunidad sa naging epekto ng krisis partikular sa halaga ng sahod. Ang mga ‘lavoratori dipendenti’ sa katunayan ay mas mababa ang natatanggap na sahod kumpara sa non Europeans. 6,2% lamang ng mga Pinoy ang nakakatanggap ng sahod higit sa 1200 euros, kumpara sa 20.7% ng mga non Europeans. Ang 57% naman ay tumatanggap ng sahod na mas mababa sa 800 euros (mas mataas ng 18% sa naitala sa mga non Europeans workers) habang 37% naman ang tumatanggap ng sahod sa pagitan ng 801 hanggang 1200 euros.
Sa kabila ng hindi maituturing na mataas ang natatanggap na sahod ay Pilipinas ay ang ikatlong country destination ng pinakamataas na remittance o rimesse sa taong 2015. Sa katunayan ay umabot sa 355.4 million euros o ang 8.6% ng kabuuang 4156 billion euros na remittance na lumabas ng bansa.
Social Benefits
Makalipas ang higit sa 30 taong migrasyon ng komunidad sa bansa, ay hindi na rin mapipigilan ang pagkakasakit o ang pagtanda ng mga Pilipino.
Kaugnay nito, sa taong 2015, 3.554 ang mga Pilipino na tumanggap ng pensioni IVS (o mga pensyon ng Invalidità o Disability, Vecchiaia o Old Age, Superstiti o Pension to Beneficiaries). Nangungunang natanggap ng mga Pilipino ang Old Age pension: 65.5%; sinundan ng Pension to Beneficiaries: 20% at ang Disability: 14%.
Gayunpaman, sa pagitan ng taong 2014 at 2015, ay tumaas ang bilang ng mga Pilipino na tumanggap ng pension IVS, bahagyang mas mababa lamang sa naitalang bilang ng lahat ng mga non Europeans, o ang 9.6% kumpara sa + 10%.
Bukod dito, kung social assistance naman ang pag-uusapan 2379 mga Pilipino ang nakinabang noong 2015: 53% ay tumanggap ng social allowance o assegno sociale; halos one third naman ng bilang ang tumanggap ng invalidità civile habang 15.3% naman ang tumanggap ng indennità di accompagnamento.
Sa pagtanggap ng tulong pinansyal pang pamilya buhat sa Inps tulad ng maternity, family at parental allowance sa taong 2015, mayroong 1719 na Pilipina ang tumanggap ng maternity allowance; 368 naman ang tumanggap ng parental allowance at 11002 naman ang nakatanggap ng family allowance.
PGA
Source: www.integrazionemigranti.it