in

LAWIN Guardians Int’l Peacemaker Rome Chapter, nagdaos ng ikalawang anibersaryo

Genuine Unity for Better Guardians.

 

Matagumpay na naidaos ang ikalawang taong anibersaryo ng Lawin Guardians International Peacemaker Rome Chapter sa pangunguna ng kasalukyang presidente na si Renato “FRMG JPR” Ganzone, nitong nakaraang Marso.

Tulad ng layunin ng kapatiran ng Lawin Guardians International, ay sama-samang ipinagdiwang ang mahalagang araw na ito kasama ang mga kapatid na Guardians, mga asosasyon, grupo at indibidwal, kasama ang panauhing pandangal mula sa Ako ay Pilipino newspaper na si Pia Gonzalez Abucay.     

Katulad ng tema sa pagdiriwang na ito, Genuine Unity for Better Guardians, ipagpatuloy nating hangarin ang maging instrumento ng pagkakaisa sa ating grupo, pamilya at mga kaibigan dahil ito ang susi sa pagiging mas mabuting nilalang at mas mabuting miyembro ng Guardian”, ayon kay Abucay.  

Nawa tayong lahat ay maging ‘pacemaker’, tulad ng inyong pangalan, sa ating komunidad”, dagdag pa nito. 

Bahagi ng aktibidad ng grupo ang makapaglunsad ng mga maka-diyos at makatao na mga program at proyekto na sume-sentro sa mga mahihirap nating mga kababayan, nakakatanda at mga may kapansanan. Dahilan ng ilang proyekto sa Pilipinas tulad ng pamamahagi sa mga kababayan sa Mindoro ng mga pangunahing pangangailangan matapos masalanta ng bagyong Nona noong 2016. Namahagi rin ng mga Pamaskong Handog sa Brgy. Langka Meycauayan City noong 2016, Libreng Uniform sa ginanap na Pista ng Mahal na Poong Nazareno sa Bulacan noong 2017 at namahagi rin ng mga rosaryo mula sa Roma sa ilang religious organization tulad ng St. Rafael Pastoral Council at Ina ng lagging saklolo members.

Tulad ng ating sama-samng pagdiriwang ay sama-sama nating tutuparin ang ating motto: Hindi baleng mabigo sa paggawa ng tama, huwag lang magtagumpay sa paggawa ng mali”, pagtatapos ni Adviser Benedict “MFRMG Maestro” Manaloto. 

Ang Lawin Guardians International ay isang samahan ng kapatirang  nagtutulungan at nagdadamayan ng may kababaang loob,  pagpapakumbaba, pagmamahal at walang iwanan hanggang sa huling patak ng dugo. 

Ito ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission at may opisyal na pangalang Lawin Guardians Int’l, Inc. Founding Father  sina Engr. Irineo Batongbacal at Founding Mother naman si Gemma Theresa Batongbacal. 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asylum seekers, nangalahati sa taong 2017

Ika-5 taong Anibersaryo ng Sant’Andrea Filipino Community, ipinagdiwang sa Empoli