in

Libro ng 2 Konstitusyon, ibinigay kay Giorgio Napolitano

Dalawang Konstitusyon, isinalin sa dalawang wika upang higit na maitaguyod ang integrasyon sa pagitan ng mga mamamayang Pilipino at Italyano.   

Rome, Oktubre 3, 2013 – Sa pangunguna ni Ambassador Virgilio A. Reyes, kasama sina Vice-Consul Jarie Osias, Honorary Consul Fabio Fanfani, Editor Michele Piacentini, Editor ASLI (Associazione Stranieri Lavoratori in Italia) President Pia Gonzalez at interpreter Giuseppina Tapiador, isang leather-bound na aklat ang ibinigay sa Pangulo ng Republika ng Italya Giorgio Napolitano sa Quirinale kamakailan.

Ang libro, may titolong Pilipinas – Italya Dalawang Konstitusyon, iisang kultura ng Pagkamamamayan (Italia – Filippine Due Costituzioni, un’unica cittadinanza culturale), ay inilathala sa pagdiriwang ng ika-65 Anibersaryo ng Kasunduang Diplomatika sa pagitan ng dalawang bansa. Ang aklat ay nagtataglay hindi lamang ng teksto at pagsasalin sa dalawang wika ng dalawang Konstitusyon kundi naglalarawan din ng kultura at prinsipyong magkatulad ng dalawang bansa.

Layunin ng ASLI sa paglalathala ng aklat na ito ang itaguyod ang gawaing sosyo-kultural at palawakin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa. Inaasahan din, sa tulong ng isa pang editor ng libro na si Michele Piacentini, na ang paglalathala ay isang matibay at epektibong paraan upang maipahayag ang magkatulad na kultura bilang gabay sa tunay na pagkamamamayan. 

Kaugnay dito, ay binigyang-diin ni Porpesor Carlo Guelfi, isang tagapayo ng Pangulong Napolitano, ang pagiging orihinal ng proyekto at inaasahan ang pagpapalaganap hindi lamang ng aklat mismo kundi maging ang espiritu ng ugnayang kultural sa pagitan ng mga Italyano at mga Pilipino. Palalimin ang pagkilala sa dalawang Konstitusyon sa pamamagitan ng mga pagpupulong at paghahambing kabilang ang ikalawang henerasyon.

“Natitiyak ko – tulad ng mababasang mensahe ni Pangulo Giorgio Napolitano – na ang aklat na ito ay magbibigay tulong upang mapalakas ang matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa at maiparamdam sa ating mga mamamayan na sila ay kaisa natin. Sa diwa nito, aking ipinapahayag ang tunay na tagumpay at maligayang pagbabasa”.

“May this endeavor – tulad ng mababasang mensahe ni President Aquino – pave theway for an even more strengthened partnership between our governments and countrymen, as we carry on our steadfast, confident strides towards our aspirations of peace, stability and social justice”.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KA SATUR OCAMPO, mainit na tinanggap ng mga migrante sa Roma

Fish Escabeche