in

LITTLE AZKALS, NAGPAKITANG GILAS SA TORNEO MILLE COLORI!

altRome – TORNEO MILLE COLORI, ito ang taunang Kid’s World Cup kung saan sampung mga kabataang Pinoy ang may pananabik at buong husay na nakikilahok tuwing buwan ng Hunyo. Ito ay nasa ikatlong taon nà sa pangunguna ng asosasyon  ‘giochiamoapallone.it’, at  patnubay naman ng mga konsehal na dayuhan sa Roma. Ito ay naglalayong tipunin ang mga kabataan  ng iba’t ibang bansa mula 7 hanggang 11 taong gulang na manlalaro ng football upang malapit sa tunay na mensahe ng ‘sports’, hindi lamang bilang pisikal na ehersisyo kundi ang partesipasyon at pakikipag-kaibigan sa mga kapwa batang nakilahok.

Tulad ng mga nakakaraang taon, may halos tatlumpung na bansa tulad ng France, Senegal, Ecuador, Peru, Holland, Cina, Romania, Pilipinas at iba pa ang nakilahok sa naturang palaro na ginanap sa Campo Urbetevere sa Roma.alt

Naging makulay ang selebrasyon bukod sa mga uniprome ng mga manlalaro at nag-gagandahang mga muses, ang makukulay na bandila na buong pagmamalaking iwinawagayway ng mga kabataan. Makukulay din ang mga booths ng mga participating countries dahil sa masaganang hapag na nakahain para sa lahat. Hindi naman magkamayaw ang mga cheerers ng bawat grupo, lalung lao na ang mga magulang na mas tila naging excited pa sa mga manlalaro.

altAng mga kabataang Pinoy ay nagpakitang gilas sa pagtalo sa mga bansang Rwanda 5-3, Bolivia 1-0, Mexico 9-0, Peru 1-1 at natalo naman ng bansang Ukraine 2-1 (gayun din ng grupong binuo ng Millecolori A x B 3-0).

Hindi na magpapahuli ang ating mga kabataan sa larangan ng football at angkop na angkop ang pangalan ng grupo bilang ‘Little Azkals’ ng Pilipinas.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BATIKOS

Entry visa requirement sa mga bansa ng Europa, minungkahing ibalik