Milano, Marso 6, 2014 – Matagumpay na idinaos ng LAUREL KAPISANAN BUKLOD NG PAGKAKAISA (LKBP) Milan Chapter ang barangay Laurel Batangas town fiesta noong February 16,2014. Ang ika-3 taong pagdiriwang ay pinamunuan ni Vincent Marasigan, ang presidente, ni Leonardo Maramot ang adviser at sampu ng mga opisyales kasama ang ilang daang miyembro nito.
Inumpisahan ang pagdiriwang ng banal na misa ni Father Enrico Crisostomo ng San Tomaso Church, Milan at kanyang binasbasan ang taunang piyesta bago ang masaganang handaan at programa.
Sina Mr. & Mrs. Defin at Segunda Marasigan ang mga “Hermano Mayor” para sa taong ito.
Sa isang bahagi ng talumpati ng presidente at ng bise presidente ay hinimok nila ang mga taga-barangay Laurel na ipagpatuloy ang kanilang pagkakaisa para sa ikauunlad ng kanilang samahan, ang Milan Chapter.
Ang main program ay ang “Miss Laurel 2014” beauty pageant at sinundan ito ng mga intermission numbers.
Anim na naggagandahan at matatalinong kabataan ang lumahok sa nasabing patimpalak na kinabibilangan nina Jilian Brigitte Marasigan, Princess Alyssa Cachero, Sherimae Malaso, Yllana Nicole Marasigan, Megadeth Cabral at Janine Andrea Perez.
Si Janine Andrea Perez ang kinoronahan bilang Miss Barangay Laurel 2014.
Samantala ang ibang awards naman tulad ng Miss LKBP kay Jilian Brigitte Marasigan, Miss New Generation kay Sherimae Malaso, 1st Princess kay Princess Alyssa Cachero, 2nd Princess kay Megadeth Cabral at 3rd Princess kay Yllana Nicole Marasigan.
Maliban dito ay nagkaroon din ng mga special awards tulad ng Best Casual Wear at Best Sports Wear na nakuha ni Miss Perez, Best in Talent at Best in Long Gown ni Miss Jilian Marasigan na desensyo ng isang prestishyosong pinoy fashion designer dito sa Milan.
Mga hurado sina Neoly Garcia, Anna Quismorio, C. De Castro V. at tabulator naman si Jocelyn Gacad.
Ayon sa Presidente, sa pagtatapos ng programa ay lalo pa nilang paghahandaan ang susunod na piyesta at patuloy na lilikom ng pondo upang suportahan ang anumang proyekto meron ang kanilang barangay sa Pilipinas.
(ni: Chet de Castro Valencia)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]