in

Lutong Pinoy ng Cucimondo para sa biktima ng bagyong Yolanda

"Bigkisin sa iisang panlasa ang iba’t-ibang kultura”. Sa tulong ng Filipino Women’s Council, lutong Pilipino para sa mga biktima ng bagyo.

Roma, Disyembre 3, 2013 – “Bigkisin sa iisang panlasa ang iba’t-ibang kultura”. Ito ang layunin ng Cucimondo, isang asosasyon ng mga boluntaryo na nag-oorganisa ng mga pagtitipon para sa integrasyon ng mamamayan at komunidad. Nagsimula buhat sa isang cooking lesson, na ang pangunahing layunin ay makatulong sa pag-unlad ng isang lipunang binubuo ng iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng pagkilala, palitan at paghahambing ng mga kaugalian at tradisyon ng iba't ibang bansa."

Lutong Pilipino ang inihanda sa hapag noong nakaraang Sabado, Nov 3 ng Cucimondo. Sa tulong ni Charito Basa, Glenda Dolor buhat sa Filipino Women’s Council ay isang masarap na Pucherong baka, matapos ang malinamnam na appetizer na cucumber yogurt at ang tinawag na “lost in the sea” (o perduti nel mare) na isang plato ng tahong at tulya. Samantala, ang kilalang Cassava cake bilang dessert na gawa sa matamis na kamoteng kahoy at niyog .

Bukod sa pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa pamamagitan ng malilikom na halaga sa araw na iyon, ang mga dumalong Italyano ay tunay na nasabik upang makilala at matikman ang lutong Pinoy, simula sa kanin, umaga pa lamang.  

Tulad ng mababasa sa website ng Cucimondo, kung saan makikita ang tunay na hangarin ng mga miyembro ng asosasyon sa pamamagitan ng mga pagtitipon sa harapan ng isang masaganang hapag, kung saan sama-samang nabibigkis ang mga mamamayan at ang ‘panlasang’ kanilang kinabibilangan.

Ang Cucimondo mula taong 2009 ay tinutulungan ang Centro Mater Misericordiae di Bukavu (Repubblica Democratica del Congo) na nagbibigay ng pansamantalang tirahan, tulong medikal at sikolohikal, oportunidad sa pag-aaral at pag-asa sa hinaharap ng mga dating batang sundalo at mga biktima ng digmaan .

Tulad ng sinabi ni Saiyora Ismailova, isa sa mga organizer ng pagtitipon, ang sentro ay nagsimulang mangalaga sa higit na 100 bata lamang, at sa kasalukuyan ay umabot na sa 3,000 mga kabataan. Tulad ng isang kasabihan: Ang paghahanda ng isang masarap na pagkain ay nagbubunga ng kapa-kapakinabang na adhikain; at dahil dito ang kusina ay isang lugar na mahal ng lahat!! MABUHAY! (ulat at larawan ni: Stefano Romano)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

UNAR sumagot sa hinaing ng komunidad laban kay Bonolis

Servizio Civile bukas sa mga kabataang dayuhan – Deadline sa Dec 16