in

Mabini Hometown Association in Milan town fiesta 2014

Milan, Mayo 2, 2014 – Idinaos kamakailan ang Mabini Hometown Association sa Milan sa kanilang ikatlong taong anibersaryo sa Via Maffei. Ito ay alay ng mga taga- Mabini sa kanilang mahal na patron, si San Francisco de Paola. 
 
Kabilang sa mga dumalo sa fiesta ang bagong Cosulate General sa Milan Marchu Mauro,mga miyembro ng Batangas Varsitarian, San Juan Batangas Association, United Pinoygraphers Club at suportado din ang grupo ng ilan real estate at mga banko. 
 
 
Ayon sa outgoing president ng grupo na si Rodel de Chavez, kasama niya ang kanilang Mayor Nilo Villanueva at Aylene Constantino Peñas, ay naitatag ang asosasyon taong 2011. 
 
Si Villanueva at Peñas ay nag-tour sa Milan upang makita ang sitwasyon ng mga taga Mabini Batangas at kanilang makadaupang palad ang mga ito. 

 
Umaabot sa mahigit kumulang na limang daan ang kasalukuyang miyembro ng Hometown Association, ayon pa kay de Chavez. May ilan umanong hindi pa rin nag paparehistro ngunit dumadalo sa mga events ng grupo. 
 
Sinimulan ang selebrasyon sa sa pamamagitan ng misa ni Father Bong San kung saan binasbasan ang imahe ni San Francisco de Paola. 
 

Sa pagdaraos ng kanilang okasyon ay nagkaroon din ang turn-over ng mga officers. Ang newly elected officer ay si Mr. Nilo Castillo. 
 
Ang main program ng pagdiriwang ay ang Amateur Singing Contest kung saan ang mga contestants ay mula sa edad na 8 taon gulang pataas. 
 
Si Lala Quimio ang nanalo sa naturang patimpalak na pinili ng mga hurado na sina Luca Fiocchi, Aida Soriente at Rosalie Gapultos.
 
Sa isang maikling talumpati ng bagong Consul General, sinabi niya na ito ang kauna- unahang filipino community event na kanyang dinaluhan, na ikinatuwa naman ng mga taga-Mabini. 
 
Isang kahilingan ng grupo kay Mauro na matulungan niya ang Association para mai-rehistro ito. “Officially registered na kayo” wika niya, kung kaya’t ang outgoing president at kasalukuyang puno ng grupo ay tutungo sa kanyang tanggapan upang asikasuhin ang mga dokumentong kakailanganin ng grupo. 
 

Sa pagtatapos ay inaaasahan ni de Chavez na bawat miyembro ng Mabini Hometown Association in Milan ay magpatuloy ang pagkakaisa at suporta sa mga programa sa ilalim ng bagong pamunuan tulad ng sports, maliban sa year-round activities, at patuloy na paglilikom ng mga new at used clothings na kanilang ipinapadala sa kinauukulan sa Mabini para ipamigay sa mga pamilyang nangangailangan nito. (Chet de Castro Valencia)
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf, tatanggapin ang bonus irpef sa 2015

Mahalagang Impormasyon para sa mga Pinoy sa Milan