in

Mag-asawa, buking sa pagnanakaw

Buking ang mag-asawang Pinoy, 53 at 42 anyos si ginawang pagnanakaw sa matandang inaalagaan sa Lastra a Signa sa Florence. 

Ang mag-asawa ay nakatira sa annex ng bahay ng kanilang employer. Itinuturing na mapagkakatiwalaan ang mag-asawa at may access hindi lamang sa bahay ng matanda kundi pati sa ari-arian ng pamliya hanggang sa unti-unting maghinala ang matanda. 

Sa simula, ayon sa mga ulat, ay maliliit na bagay lamang ang nawawala at inakala ng matanda na ang mga ito ay nalimutan lamang kung saan nailagay. Makalipas ang ilang buwan ang employer ay nakaramdam ng paghihinala dahil sa pagkawala ng mga alahas at branded cothes. Dahilan upang mabilis na gawin ang inventory ng mga sariling gamit at noon natuklasan ang pagkawala ng maraming bagay. 

Ang paghihinala sa dalawa ay nakumpirma ng awtoridad matapos ang mga kontradiksyon sa kanilang mga salaysay. 

Natagpuan ng Carabinieri ang lahat ng mga ninakaw sa tirahan ng dalawa na umabot umano sa halagang €30K at ibinalik lahat sa may-ari. 

Ang mag-asawa ay kinasuhan ng furto aggravato

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

159 Pinoys, nahawa ng Covid19 sa bansa ayon sa datos ng ISS

Permesso di Soggiorno, nag-expired habang lockdown sa Pilipinas. Kakailanganin ba ang re-entry visa sa pagbalik sa Italya?