in

Magkasintahang Pinoy, biktima ng pagsabog sanhi ng gas leak sa Siracusa

Nag-iwan ng malungkot na alaala ang naging paglisan sa mundo ng magkasintahang Pinoy na sina Gian Ridge Gatpo at Chiara Frias Ugot, parehong 30 anyos, sa naging pagsabog na sanhi umano ng gas leak sa loob ng isang casolare sa Siracusa noong nakaraang October 1, 2021 kasama ang iba pang 3 katao.  

Malala ang kundisyon ng dalawa sa kabila nang mabilis na saklolo. Sa kasamaang palad ay dead on arrival sa ospital si Gian. Ang kanyang libing ay naganap noong nakaraang Miyerkules. 

Samantala si Chiara ay comatose na ipinagdiwang ang kanyang ika-30 kaarawan sa ospital noong Oct 4 at nakipaglaban pa ng walong araw bago tuluyang binawian ng buhay noong Oct 9. Ayon sa mga duktor ay nasunog ang 80% ng katawan ng dalaga. Bukas, October 12, alas 10:30 ay magkakaroon ng funeral mass sa Duomo di Messina.

Si Chiara, na dating Hip hop instructress sa Eurodanza 2000 sa Messina at nagta-trabaho na sa London ay apat na araw pa lamang muli sa Italya para sa pamamanhikan ng pamliya ni Gian na magaganap sana noong nakaraang Linggo, Oct 3. Ang dalawa ay 13 taon ng makasintahan. 

Kasalukuyang iniimbistigahan ang naging pagsabog sanhi ng gas leak.

Lubos ang pakikiramay ng buong Filipino Community sa mga naulilang pamilya. 

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 4.4]

NOBEL PEACE PRIZE, Tagumpay ng Pamamahayag tungo sa Kapayapaan

Paano at mula kailan makakaboto ang isang naturalized Italian citizen?