in

Magpapadala ka pa ba ng Pera sa Pinas?

Magkakaiba ang naging pahayag ng mga Pinoy sa Italya ng sila ay tanungin ng Ako ay Pilipino kaugnay ng regularidad ng pagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. 

At habang patuloy ang paglaki ng bilang ng nahahawahan ng COVID19 (20,603 kasalukuyang positibo), namatay (1,809), patuloy din ang pagtaas ng bilang ng nawawalan ng trabaho (pansamantala at pangmatagalan). Sa hanay ito ng mga mangagawang Pilipino partikular sa sektor ng Turismo, trabahong domestiko, industriya at impormal na sektor. 

Umabot na sa kulang 200 sa buong Italya ang sinabihan ng employer na huwag na munang pumasok. Lumitaw ito sa sensus na isinagawa ng Task Force covid19 Ofw Watch, limang araw bago pa ideklara ang Total Lockdown sa buong Italya noong Marso 10, 2020. Pinakamalaking tinamaan ang nasa sektor ng turismo sumunod ang sa Domestic Employment. Inaasahan na magiging sampong doble (ten folds) ang bilang ng mga maapektuhan sa susunod na isang linggo. Ngayon pa lamang, kapansin-pansin sa Social Media ang mga post dumaraming nawawalan ng hanapbuhay. 

Ang tanong ay nahahati sa: a. Hindi na Nagpadala; b. 50% ang ibinaba ng padala;  k. 75% ang ibinaba ng padala d. mababa sa 200 euro ang ipinadala. 

Lumitaw sa On Line Survey na marami ang hindi nagpadala ng pera sa Pilipinas dahil nawalan ng pinagkakakitaan. Ang iba naman ay nagsabi na sa susunod na buwan na lamang “marahil” makakapagpadala kung magbabago ang sitwasyon. May ilan naman na nagsabing nagpadala pa rin sa kabila ng krisis na ramdam na ramdam sa Italya. Masasabing mayorya ng mga Pilipino sa Italya sa ngayon ang nagbago ng aktitud sa pagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Batay naman sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, malaki ang pagbabago ng pasok ng remitans ng mga OFW mula sa Italya. Patuloy ang pagbaba nito sa loob ng apat na taon nakalipas. Noong 2016 umabot sa 203,558 euro ang kabuuang naipadala ng mga OFW sa Pilipinas. Subalit nitong 2019, 153,998 euro lamang ang naitalang remitans ng mga OFW sa Italya, halos 30.2% ang ibinaba kumpara ng taong 2018 na umabot sa 220,572 euro ang pumasok sa kaban ng Pilipinas. Wala naman datos pa ang Bangko Sentral nitong Unang Kwarto ng 2020 ng pumutok ang isyu ng Corona Virus. (Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakuna laban sa COVID19, ano na ang estado?

Panawagan ng mga Ofw mula Italya sa Pilipinas: ‘Sumunod sa tagubiling ibinibigay ng gobyerno’