in

Mainit na diskusyon sa loob ng bahay ng mga Pinoy, nauwi sa saksakan

Isa na namang episodyo ang nailathala ng mga awtoridad sangkot ang dalawang pilipino sa Roma.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga Carabinieri sa Roma Montesacro, kapapasok lamang ng bahay ng isang pinoy nang masindihan ang mainit na alitan sangkot ang kasambahay nito noong nakaraang huwebes, ika-11 ng kasalukuyang buwan.

Base sa report na nakalap ng mga alagad ng batas, nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang dalawang at nagkapalitan ng hindi magagandang salita habang ang mga ito ay nasa kanya-kanyang mga kuwarto. Subalit sa hindi pa malinaw na kadahilanan, lalong daw uminit ang bangayan ng dalawa at tuluyang nagapoy, hanggang sa mauwi sa episodyo ng pananaksak.

Ang mas nakababatang sangkot, 45-anyos,ay pumasok umano sa kuwarto ng kaaway na 53-anyos armado ng kutsilyo at inundayan ng saksak sa tiyan ang biktima. Matapos makitang duguan ang kalaban ay agad itong tumakas at iniwan ang biktima.

Sa mabilis na pagresponde ng mga Carabinieri sa natanggap na tawag ay agad na nahuli ang suspek sa Via Monte Bianco, di kalayuan sa tirahan nito.

Samantala, ang 53-anyos ay agad namang naisugod sa Sandro Pertini Hospital at kasalukuyang nagpapagaling mula sa natamong sugat at ayon sa mga doktor ito ay hindi ito nalalagay sa peligro. Sinuwerte ang biktima na walang vital organs na napinsala. Ang kutsilyong ginamit sa pananaksak ay nasa kamay na ng mga alagad ng batas habang ang suspek naman ay dinala sa Regina Coeli sa Roma.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FINASS, patuloy pa rin sa kanilang medical mission

Permessi retribuiti, mayroon ba sa domestic job? Ano ang nasasaad sa CCNL?