in

Malaking “Check”: Filipina student nagpamalas ng Galing sa Chess sa Regional Meet sa Toscana

Hinirang na champion sa ginanap na Campionato Giovanile di Scacchi Fase Regionale sa Toscana si Jemenica Jhoice Dasalla.

 

Montecatini, Abril 15, 2016 – Hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa iba’t ibang larangan. Mahalaga sa ating buhay ang sining at kultura. Kinagigiliwan natin ang umawit, sumayaw, tumugtog, gumuhit at sumulat. Dahil sa mga talentong pilipino marami sa ating mga kalahi ang mga naging bantayog na mang-aawit, manunugtog, pintor, kompositor, at mga manlalaro.

Sa larangan ng isport hindi lamang sa boksing, track and field, bowling, at billiards kilala ang mga Pilipino kundi pati na sa paglalaro ng chess.

Great things start from small beginning“. Lahat ng mga naging sikat na pinoy ay dumaan sa pag-eensayo at hinubog ang talento sa murang edad sa larangang kinagigiliwan.

Isang halimbawa dito ang ating batang kababayan na si Jemenica Jhoice Dasalla, 15 taong gulang, residente ng Montecatini Terme, ang hinirang na champion sa nakaraang Campionato Giovanile di Scacchi Fase Regionale sa Toscana na ginanap noong ika-7 ng abril 2016 sa la palestra ng Istituto Superiore Fossombroni di via Sicila 35 sa lalawigan ng Grosseto. 

Grade 4 nang magsimulang maglaro ng chess si Jemenica at bunga ng kanyang malaking interes sa chess at puspusang pageensayo, maraming premyo na ang kanyang napanalunan mula sa iba’t ibang kompetisyon sa Italya. 

Noong ika-7 ng Abril ay iniuwi ni Jemenica ang Tropeo ng Champion na nagbigay din sa kanya ng pagkakataong dalhin ang pangalan ng kanyang paaralan, ang Istituto Pasquini, at ng lahing pilipino sa darating na National Championship ng chess na gaganapin sa Sibari, Cosenza mula ika-12 hanggang ika-15 ng buwan ng Mayo 2016. 

 

Siya ang Team captain o Prima Scacchiera ng kanilang squadra femminile. 

Sa buong italya sa kanyang kategorya siya ay nasa ika-9 na puwesto sa pangkalahatan. Sa tulong ng kanyang coach, si Jemenica ay kasalukuyang nagsasanay na para sa paglahok sa nalalapit na National Championship sa susnod na buwan. 

Ang pasasalamat ng buong komunidad kay Jemenica sa karangalang ibinigay sa mga pilipino dito sa Italya. Mabuhay ka Jemenica!

 

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tax incentives nakalaan sa mga employer ng domestic jobs

Unang Pilipinong Doktor sa South Italy, determinadong itatag ang bagong henerasyon ng Filipino medical professionals sa bansa