Rome, Nov 22, 2012 – Gaganapin sa Sabado, Nov. 24, kasama ang limang iba pa, ang pagtatalaga kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle bilang bagong kardinal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas. Magaganap ang seremnoya sa Consistory sa St. Peter’s Basilica sa ganap na ika 11 ng umaga.
Si Tagle ay ang ika-pitong Filipino cardinal matapos hirangin ni Pope Benedict XVI noong Oktubre. At sa edad na 55 ay ikalawa sa pinakabatang kardinal sa buong daigdig.
Sa kasalukuyan ay nag-iisang kardinal sa Pilipinas dahil retirado na sina Archbishops Gaudencio Cardinal Rosales at Ricardo Cardinal Vidal samantalang namayapa na ang apat pang sina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime Cardinal Sin at Jose Cardinal Sanchez.
Napapanahon diumano ang paghirang sa kanya sa pagkilala kay San Pedro Calungsod sa Year of Faith at sa pagdaraos ng Synod of Bishops on the New Evangelization. Ang mga pangyayaring ito ay nararapat lamang ipagpasalamat sa Diyos na mahabagin, ayon kay Cardinal Tagle sa isang panayam.
Samantala, isang Thankgiving mass ang gaganapin sa Nov 25, 3.30 pm sa Basilica di S. Paolo outside the Wall.