in

MARIAN FESTIVAL 2011

“THE GIFT”,ang regalong ibinigay ng Diyos sa ating kabataan at ang handog natin sa Diyos ay ang ating mga kabataan na siyang pag-asa ng sambayang Kristiyano. Ito ang nagbunsod sa pagbuo ng natatanging paligsahan para sa kabataan na mula sa edad na labingdalawa (12) hanggang dalawangpu’t lima na maibahagi nila ang kanilang natatanging talento sa pag-awit o pagsasayaw alay sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria noong Setyembre 8, na may temang reliyoso.

altPanahon na, “It’s your time…it’s our time…it’s God’s time…it’s show time..”, kung saan ipinakita ng mga kabataang Pilipino ang kanilang kagalingang ibinigay ng Diyos. Ang paligsahang ito ay naiiba sapagkat sa pagitan ng bawat kalahok ay may nakapalaoob na “spiritual input” ng emcee na si Joey Cabrejas, na siyang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon upang makapagbahagi ng mabuting alay sa Diyos.

Ang layunin ng pagdiriwang na ito ay para hikayatin ang mga kabataan at mahubog ang kagalingang ito at maging isang mabuting halimbawa sa kanilang kapwa. Nagpamalas ng kagalingan ang apat na grupo sa pag sasayaw (Yopez dance group-El Shaddai, nanalong 2nd prize;Lucky Me-Sta.Maria Goretti Community at Hard Krew ang 3rd  prize at at The Filipino Musical Academy ang 1st prize, managed by Jessieat Leany Ramirez. Ang labing isang kalahok sa pag-awit ay nagbigay ng lubos na kasiyahan sa mga manonood na sina:Glad Everking Magsino, Paulo Noces, Christian Peralta (1st Prize), Rachelle Malaluan, Cesarah Anne Saraza, Ma.Veronica Padilla, Sheen Ann del Rosario, Arjufer Oliver (3rd prize), Rey Jonne Acevedo (2nd prize), Catherine Magsino,  at David Rebollado. Ang mga judges ay sina Fr. Jess Marano, Fr. Domingo Salonga, Jeffrey Jordan, Ramcee Kaguitla, Ike Vocales,Mayet Sarmiento at Sol Serano. Ang pagdiriwang na ito ay ginanap sa Teatro Vigano, Sta. Maria della Speranza, via Francesco Cocco Ortu, 19, R oma.

Ang tagumpay ng proyektong ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng Alliance of the Two Hearts of Jesus and Mary Communities, (Protomartiri-Gregorio VII, Sacri Cuori-Vescovio at Sta Felicita-Fidene) Rome Chapter. Ang Spiritual Director ay si Fr. Jess Marano with the blessing ng Chaplaincy, Fr. Romy Velos. Ang Coordinator ng ATH-Rome Chapter ay si Evelyn Milla kasama ang YOUTH Coordinators na Ma.Bernadette Cudiamat at Joey Cabrejas ang nanguna sa proyektong ito para sa kabataan. More power to all YOUTH movement for the Lord!

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA OSTEOPOROSIS

REGINA COELI CHOIR NG ROSARIO, CAVITE, SASABAK SA THE RIMINI INTERNATIONAL CHORAL COMPETITION