in

Mark Manaloto, ang Kiko sa pelikulang ‘Se Chiudo Gli Occhi Non Sono Più Qui’

Isa si Mark Benedict Bersalona Manaloto  o Mark sa dalawang Pilipinong may lead role sa Italian film na Se Chiudo Gli Occhi Non Sono Più Qui. Sa direksyon ni Vittorio Morroni, shortlisted ang pelikulang ito para sa Alice Nella Citta for the Rome International Film Festival ngayong Nobyembre sa Auditorium Parco della Musica.

Ipinanganak sa Roma ngunit lumaki sa Pilipinas, hindi makapaniwala si Mark na siya ay matatanggap sa pelikula lalo na at makakasama niya ang ilang Italyanong aktor tulad ni Beppe Fiorello.

Sa isang panayam, inilahad ni Mark ang kanyang mga ginugol na preparasyon at paano ang kanyang buhay bago maging aktor.

Maaari mo bang isalaysay ang iyong buhay bago maging isang aktor?

– Simple lang noon buhay ko, buhay studyante po. Aral-aral po para mataas ang marka. Lalo na po math, gusto ko po kasing maging isang engineer.

Saan ka nag-aral umarte?

– Nagbakasakali lang po ako mag-audition sabi ko po sa aking sarili wala namang mawawala eh. Sa una pa nga hindi po ako naniniwala na naghahanap sila ng Pilipino para maging bida sa isang pelikula sa direksyon ng isang Italian. Parang napaka-imposible po. Hanggang isang araw, nakasakay ako ng autobus ng isang Pilipina na nag bigay sa akin ng pubblicità tungkol sa audition. Doon na po ako naniwala. Sabi pa ng Pinay, subukan ko po daw at bilisan ko dahil last day na daw po ng audition. Nag-audition ako kasama po mga iba pa pong Pilipino. Nagkaroon po kami ng tatlong meeting. Yung una, tinanong po ang mga personal information. Second dun na kami nagdrama, binigyan ako ng copione. Third dun ko na-meet si Ate Hazelle dahil pinagdrama nila kaming dalawa sa isang scene. Hanggang tinawagan ako na nakuha nga daw po ako. Gulat na gulat ako noon dahil hindi ko po inaakala na makukuha ako. Dahil hindi naman po ako pogi..hehehe. At hinde rin po ako kumuha ng acting lessons. Feeling blessed, exited at masaya. Halo halo na po ang emosyon noon.

May experience ka ba sa pag-arte?

–  Bago kami nag-umpisa magshooting ay nagkaroon kami ng intense workshop para mahubog ang aming skills at mas makilala po namin ang mga characters. Napakahirap po pero that was a great experience.

Sino ang iyong idolong artista?

– Ang aking favourite actor ay si Coco Martin. Idol ko po sya dahil kahit napakasikat nya napaka-humble pa rin nya. Hindi nya kinakalimutan kung saan po sya nanggaling. At sa husay nya po dahil tuwing nag-aacting siya (ay) isinasapuso nya talaga ang mga bagay bagay at napakalinis, intense ng mga deliver nya ng mga lines.

Kailan mo nalaman na isa ka palang aktor?

– Pangarap ko lang po noon. Iniisip-isip ko lang kung gaano kaya kasarap ang maging artista. Pag minsan nga ginagaya ko mga lines nila Coco, Gerald, Jericho, biruan lang namin ng mga kamaganak ko. Hanggang nagkatotoo po at nadiskubre ko na hindi lang saya ang mararamdaman ng isang aktor kung hindi pagod at puyat. Dapat hardwork po talaga.

Anu-ano ang mga naituro sa iyo ng mga senior actors?

– Ang natutunan ko po sa mga senior actors ay ang mag-prepare physically and mentally bago magshooting, basahin ng paulilit ang script para mamemorize at para maka-catch mo essense ng scene na yun. And the most important is be yourself. Don’t pretend to be someone else, put something to the character that will make your character interesting and unique.

Ano ang iyong dream role?

– Ang dream role ko ay (maging) isang action star. Kasi nagkakarate po ako, si papa ang instructor ko at

feeling ko ay may ibubuga naman at makakatulong speaking of choreography para mas maging totoo. Pati sa paggalaw kasi iba po ang galaw ng may-alam ng martial arts.

Other projects?

– Wala po sa ngayon. Nag-aaral po kasi ako, 5 liceo po this year, I have to study for la maturità.

Masaya ka ba sa narating mo ngayon?

– Kuntento na po ako sa experience na ito ayoko pong umasa masyado na magiging sikat po ako or magkakaroon po ako ng ibang project kung ano man pong ibigay ni God ay tatanggapin ko. Kung wala man po ay ok lang, basta ang alam ko, I’m blessed and happy na ako po ang napili sa role na ito sa dami ng nagaudition. It’s a dream came true.

Kung hindi man aktor, ano ang nais mong maging?

– Ang first option ko po talaga kahit ngayong naging aktor na ako ay maging isang mechanical engineer. Gusto ko kasi ituloy yung pangarap ni papa na maging engineer. Hindi po nya natapos dahil pumunta po sya dito. Kung baga nasa blood na po namin. Alam naman natin na ang buhay artista ay pangmadalian. So I just want to cherish this moment!

Se Chiudo gli Occhi Non Sono Più Qui, maaari mo bang i-kwento ito?

– Ang buong film ay umiikot sa storia ni Kiko. A 14 year old boy who has Italian and Filipino parents who lives initially in Rome. Eventually ang papa nya ay nag-decide to transfer with the family in Friuli to open a business. Unfortunately the father died in a car accident. So ang umako ng responsabilidad sa anak and all the debts is the mother (Marilou). After one year ng pagkamatay ng tatay ay nag-asawa muli ang kanyang ina Ennio (Beppe Fiorello) who will force Kiko to work and have a miserable life. So the story goes on with the misunderstanding of the mother who doesn’t want to leave Ennio and the son Kiko who wants a better life with her mother and not with Ennio until one day a mysterious man will help Kiko to face his problem. And this man keeps a big secret. What? Watch the film….

Makikita po natin dito ang mga prinsipyo ng mga Pilipino; ang kalagahan ng pamilya, ang kahalagahan ng edukasyon at ang katatagan ng mga Pilipino na handang harapin kahit na anong suliralin ng buhay para lng sa ating mga pamilya.  Maririnig at Makikit po din natin ang linguahe at mga putaheng pilipino

Sino si Kiko?

– Si Kiko ay half-Italian, half-Filipino na 14-year old na nangangarap na mabuo ulit ang kanyang pamilya. A strong (and) determined boy na gagawin ang lahat para matupad ang kanyang mga pangarap.

Ano ang masasabi mo kay Giuseppe Fiorello at sa ibang aktor na iyong nakasama?

– I’m very happy and I feel blessed at nagkaroon po ako ng chance na makatrabaho, makasama, makakwentuhan, makilala ang mga dekalidad na mga aktor kagaya nila Beppe Fiorello & Ivan Franek. Marami po akong natutunan sa kanila.

Ano ang iyong pakiramdam bilang Pinoy lead actor sa pelikulang ito?

-Proud po akong maging filipino dahil iba po talaga ang Pinoy. At sana with this film maitaas namin ang bandera hindi lang ng mga Pilipino sa Italy pati na sa buong mundo. Talented po talaga ang mga Pinoy.

Ano ang iyong mensahe sa mga Filipino artists dito sa Roma?

– Ang masasabi ko sa lahat ng mga Filipino artists ay continue to pursue your dreams, never give up in God's perfect time makakamit nyo yung pinapangarap nyo. At most important is work hard with your craft and don’t hesitate to show it kasi iba talaga ang tatak pinoy. Galing sa puso.

Thank you po sa lahat at mabuhay ang Pinoy! (ulat ni: Jacke de Vega)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tulong internasyunal, umabot na sa P 3 bilyon

Hazel Morillo, gumanap bilang Marilou sa pelikulang Se Chiudo Gli Occhi Non Sono Più Qui