in

Marriage Encounter ginanap sa Roma

 “Love is always patient and kind, It is never jealous; Love is never boastful or conceited; It is never rude or selfish; It does not take offense, and is not resentful”. Philippians 2:2

altIsang tagumpay na Marriage Encounter sa Roma ang naganap noong August 5 -7, 2011 sa Don Bosco Istituto Salesiano Teresa na inorganisa ng Loved Flock Catholic Charismatic Renewal Ministries sa pangunguna nina Bro. George at Sis. Liza Magmanlac.

Ang nasabing marriage encounter ay naging makahulugan sa 12 mag-asawa mula sa Roma at Vienna at tatlong pariticipants na ang asawa ay naninirahan sa Pilipinas. Tinukoy sa weekend seminar na ito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng mag-asawa lalo’t higit ang relasyon sa Diyos.  

“Blessed ako na nakasali sa ganitong gawain na ang akala ko ay hindi ko kayang sumali. Iniisip ko, wala naman kaming problemang mag-asawa, bakit ako sasali. Ang sarap ang pakiramdam ko kasi tumagos sa puso ko ang aking mga natutunan”, ang masayang bigkas at kumbinsidong si Bro. Ricky Amodia.

Biyaya daw ang presenting couple na nagmula pa sa Pilipinas na sina Bro. Claro at Sis. Bay Santos, Bro. Jing And Aster Mendoza at Bro. Rene and Myrna Baluyut na taga Las Vegas. Ayon kay Bro. Claro, ang marriage encounter ay gawain upang palalimin ang relasyon ng mag-asawa, na sa ordinaryong buhay, nadadala ang takbo ng buhay nila sa kagustuhan ng mundo. Aniya, “Dito sa ME ay  tinuturuan tayo ng tamang pamamaraan, ang importansya ng pag-aasawa at pagiging banal ng mag-asawa”.

Ayon naman kay Mons. Albert Venus, nagpunta dito sa Roma para magbigay ng ME seminar, laking pasasalamat siya sapagkat nakapaghatid daw sila ng magagadang balita sa pamamagitan ng marriage encounter. May kaunting kalungkutan rin sapagkat 12 couples lamang ang nakasama. Umaasa siya na sa mga darating pang ME, marami pang couples ang makasama sapagkat ito daw ay kailangang kailangan ng pamilya. Totoong ambisyon at pangarap ng mga OFWs ang trabaho at pera, ngunit mahalaga ang relasyon sa Diyos na siyang nagbigay ng lahat ng ito. (ni Liza Bueno – Magsino)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AWAY, KINASANGKUTAN NG MGA PINOY

PANGUNAHING TEMA NG MEDIA: SICUREZZA