in

Masarap na taho, mabenta sa mga Pinoy sa Milan

Milan, Abril 10, 2015 – Ang taho ay kabilang sa kategoryang “street food”. Ito ay kilalang pagkain sa umaga mula bata hanggang matanda sa Pilipinas. Kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang homesick sa tuwing matitikman ang taho.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ito ay nakarating na rin sa Europa partikular sa Milan, Italy kung saan mabenta ang taho sa mga Pinoy. Salamat kay Carlo Ifip 34 anyos, tubong Quezon City.

Siya ay dumating sa Bergamo Italy noong 2007. At noong Disyembre 2014 ay  nagsimulang gumawa ng taho sa pamamgitan ng  pagsasaliksik sa internet at pagtatanong sa mga kilala niyang gumagawa ng taho sa Pilipinas.

Bata pa ako, paborito ko ang taho, umaga pa lang ay hinihintay ko na nang dumaan ang taho sa may amin” wika ni Carlo.

Sa kanyang paggawa ng taho ay pinatikim muna sa mga kaibigan upang malaman kung tama ang sukat at timpla ng mga rekadong tapioka pearl (sago), soya beans, brown sugar (arnibal), tofu at naging matagumpay naman ito! Pagkatapos ay inilabas sa publiko ang kanyang produkto, mula Bergamo hanggang Milan, sa pamamagitan ng mga post sa isang social network site.

Ayon sa taho manufacturer, sa siyudad pa ng Bergamo nagmumula at ginagawa ang taho. Tinatagpo lamang ang mga kliyente sa bahay ng kanyang kaibigan sa Milan.

Masarap ang mainit na taho! Ngunit kadalasan, sa pananabik, ay agad nang kinakain ito”, ayon kay Carlo. “Sakaling gusto nilang mainit, pwede ring initan sa microwave”, dagdag pa ni Carlo.

Halos araw-araw ay nakakatanggap na si Carlos ng mga orders, hindi lamang mula sa mga kababayan sa Milan kundi pati buhat sa labas ng siyudad.

Kasalukuyang naghahanap ng isang strategic area si Carlo sa Milan kung saan maaaring magbukas ng maliit na negosyo. Dahil maliban sa taho, mayroon din syang ibang ibinebentang homemade pilipino food products na talagang panlasang pinoy. Bahagi ng kanyang plano ang gawing full time na hanap buhay ito.

Ang Milan ay magandang lugar na pagtayuan ng negosyo dahil sa populasyon ng mga Pinoy dito”, ayon pa kay Carlo.  

Sa pagtatapos ni Carlo, ang konsepto ng munting negosyo ay pagbabahagi rin ng mga produktong pinoy sa mga kababayan natin.

ni: Chet de Catro Valencia

 

 

  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

David Pomeranz, sa live concert sa Roma!

Students Acquaintance Recital ng One Note Station, isang tagumpay!