Isang tagumpay ang pagbisita ni Master Danilo Huertas ng Italya upang umpisahan ang pagtataguyod ng ‘DOCE PARES ITALIA’.
Ang Doce Pares ay isang Filipino Martial Arts na gumagamit ng baston o patalim sa pakikipaglaban. Sinasabing ang Arnis o Esrima ang ginamit ni Lapu lapu upang magapi si Magellan upang ipakita ang kanyang pagtatanggol sa bayan.
Sa pangunguna ng Mother of Divine Grace Community ay ginanap ang tatlong araw na seminar ng ‘Doce Pares’ mula noong nakaraang Biyernes, a-uno ng Abril hanggang kahapon, araw ng Linggo ika 3 ng Abril. Ginanap ang nasabing pagtitipn sa Full Sport Center sa Via Giambattista Soria 11(Battistini).
Si Danilo Aquino Huertas ay ang Doce Pares Master mula pa sa Norway ang naging bisitang pandangal sa seminar. Kanyang pinamunuan, ginabayan at tinuruang ang mga participants ng iba’t ibang istile ng nasabing Pinoy Martial Arts. ‘I used to travel all around Europe for doce pares, and to guide and assist a group of Filipinos is my very first time, and it’s an honor for me. Masarap ituro ang kulturang Pilipino gamit ang ating sariling wika. I also thank my Italian participants for the passion they have to our culture’, mga pangungusap ni Master Danilo sa Ako ay Pilipino sa isang panayam sa kanya.
Dinaluhan di lamang ng Pilipino instructor tulad ni Manuelito Herrera kundi pati ng Italian instructor na si Arco Cappelli ng Firenze. Sila ay parehong instructor ng martial arts sa Firenze. “Nakita ko ang kanyang husay pati ang kababaan ng kanyang kalooban. Salamat sa Filipino Community na maiinit ang naging pagtanggap sa amin dito sa Roma. Hindi hadlang ang wika at ibang kultura sa isang nagkakaisang hangarin”, ayon kay Arco Cappelli.
Kabilang si Vilma Ramos na pinalawak pa ang kanyang kaalaman sa Pinoy martial arts sa pamamagitan ng husay at galing ng bisitang Master. Si Vilma Ramos ay ang unang unang babaeng instructor ng Doce Pares sa buong Europa na kasalukuyang nagtuturo ng Martial arts sa isang gym sa Roma.
Kabilang na dumalo sa pagbibigay ng mga certificates sina Consul General Danilo Ibayan, Mari Lami at kanyang kabiyak, at ilang Pinoy leaders. Inaasahan matapos ang pagdiriwang ang isang matagumpay na pagtataguyod ng ‘Doce Pares Italia’.