Pinoy Sport Roma, ito ang pangalan ng asosasyon na pinangungunahan ni Ding Escano. Isang Sports Association na kinagigiliwan ng mga kabataang salihan sa mga ginaganap na Winter at Summer League, na naglalayong hasain ang mga kabataang Pinoy upang isang araw ay makita ang mga itong matagumpay na winawagayway ang bandilang Pilipino sa larangan ng sport. ‘Sportmanship’ ay isa rin sa hangarin ng asosasyon, ang maging tapat na atleta ng halos 28 group na naglaban-laban dalawang beses sa isang taon ay isa sa susi ng tagumpay ng asosasyon na nasa ika-limang taon na ng pa-liga nito.
“Upang maging patas ang laro, mga italian referees, ang aming kinuha mula pa ng umpisa. Ito ay upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng mga manlalaro”, pagmamalaking sagot ni Ding sa isang interview. “Salamat naman sa availabity ng sport complex na ito ng Piazza Mancini, at maraming kabataan ang nalalayo sa masamang bisyo bagkus ay nawiwili sa sports”., pagtatapos pa nito.
Sa volleyball naging mainit ang labanan sa pagitan ng Gossip girls na naging kampyon sa dalawang taon at Lil’ Peck UG. Ngunit ang mga kabataan ng Gossip girls ang pinalad na muli ay tinanghal na Champion sa ikatlong pagkakataon.
“Noi giochiamo non solo per farci vedere, ma sopratutto per la nostra passione a pallavolo”, ayon sa isa sa atleta ng Gossip girls habang bitbit ang kanilang tropeo. “Giochiamo con serietà e onestà ma rimanere umili è quello che ci insegna lo sport”, dagdag pa ng dalaga.
Samantala habang hindi magkamayaw sa ingay ang mga cheerers sa pinakahihintay na laro ng taon sa pagitan ng dalawang team, ang Rising Sun versus Ilocos United ay nagpakitang gilas naman sa larangan ng basketball. Parehong magaling ang dalawang team at halos hindi magkalayo ang score nito ngunit sa bandang huli ay lumamang ang Ilocos United, na sa unang unang pagkakaton ay tinanghal na Champion ng Pinoy Sport Roma Summer League.
“Giochiamo mentre alleniamo, questo è il segreto del gruppo, divertirsi con il pallone”, pahayag ng isang kabataan sa isang interview ng akoaypilipino, habang patuloy ang talunan at hiyawan matapos ang laro.
Masaya ang naging Awarding ceremonies sa pangunguna ni Consul Ibayan gayun din ng mga naging sponsor ng okasyon.
Makikita rin ang tuwa sa bawat manlalaro at mapapatunayang umpisa ito ng tagumpay ng hangarin ng asosasyon.
Payapa rin namang iniwan ng organizer ang sports complex.