in

Matagumpay na Pagtatapos ng Concordia International College, idinaos sa Roma!

Ang Concordia International College na kaakibat ng Pinoy Guro EU ay patuloy na naglalayong matulungan ang mga Pilipinong naghahangad na makapagaral at makapagtapos ng kolehiyo sa iba’t ibang paraan.

 

Roma, Hunyo 6, 2016 – Isa na namang tagumpay ang ibinahagi ng Pinoy Guro EU Rome nang ganapin nito kamakailan ang ikalawang pagtatapos ng Concordia International College (Concordia Europe). Ang Concordia International College na nagbibigay ng serbisyong edukasyon ay isa lamang sa mga sangay na institusyon at programa ng PGEU. Ang PGEU ay nagsisilbing tulay para sa mga Pilipinong nagnanais makatapos sa kolehiyo dito sa Roma sa pamamagitan ng pagkakaugnay nito sa ilang pangkolehiyong paaralan sa Pilipinas, Australia, Korea, Canada at  Amerika. 

Ang nasabing pagdiriwang na may temang “Shifting to 21st Century Thinking in Education and Learning” ay ginanap noong ika-22 ng Mayo 2016 sa Instituto Tecnico I.T. Luigi di Savoia Duca degli Abruzzi, Via Palestro 38, Roma, Italya. Ito ay pinangunahan ng Concordia International College Vice President for Operations na si Don Harmel Tatel II na siya ring nagtaguyod ng PGEU. Samantalang nagsilbing master ng seremonya sina Maritess Miranda at Jaine Morales, mga guro ng PGEU. Pinaunlakan ang naturang pagtatapos ni Dr. Noli Sta. Isabel, isang aktor at fashion designer na naka base sa Roma ang tumayong panauhing tagapagsalita. Ang kanyang mensahe sa mga nagtapos ay tunay na isang inspirayon nang kanyang isalaysay ang kanyang buhay sa Italya at kung paano niya nakamtam ang kanyang tagumpay. Isang nagtapos at tumanggap ng parangal naman si Jennifer Magpantay na naghandog din ng maikling mensahe.

Ang mga nagtapos na kinabilangan ng 15 estudyante ng Diploma in Hospitality and Tourism Communication at 16 naman sa Diploma in Teaching English to Speakers of Other Languages and Teaching English to Children ay malugod na tinanggap ang katibayan ng pagtatapos saksi ng kanilang mga magulang, pamilya at kaibigan. Samantala, tumanggap naman ng medalya ang mga sumusunod:

Academic Excellence in HTC

1. Jennifer  Magpantay at Lawrenz Kyle Ramos (Gold Medal)

2. James Patrick Alix at Christian Ironne Cepillo (Silver Medal)

3. Merry Rose Salome at Joy Clarize Abad (Bronze Medal)

Academic Excellence in TESOL TEC

1. Antonette Ramos Morales (Gold Medal)

2. Rosemarie Rodolfo (Silver Medal)

3. Nehemia Cavite (Bronze Medal)

Outstanding Demo Teacher

1. Antonette Ramos Morales (Gold Medal)

2. Hamedita Sandoval (Gold Medal)

3. Maria Lynne Napa (Gold Medal)

Ang Concordia International College na kaakibat ng Pinoy Guro EU ay patuloy na naglalayong matulungan ang mga Pilipinong naghahangad na makapagaral at makapagtapos ng kolehiyo sa iba’t ibang paraan: ang Pure Online, Blended Learning at Classroom Instruction.

Ang mga Diploma Programs ng Concordia College na kinikilala sa Italya, Canada at Amerika ay maaaring kunin ng anim na buwan, isang taon o dalawang taon. Maliban sa mga naunang nabanggit na kurso, inihahandog din ng Concordia ang Diploma in Teaching Mathematics, Translation, Interpretation, Hospitality and Tourism Management at ang Business and Development.

Para sa mga katanungan, bumisita lamang sa website na www.euconcordia.com o tumawag sa 3881679729 o sa FB account ng Pinoy Guro EU.

 

ni:Nimfa Vedrero

larawan: Jacke de Vega

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party

LSE Rome get together with Dean Antonio Lavina