in

Mauro, itinalagang bagong Philippine Ambassador to Brazil

Ginanap ang Thanksgiving and Appreciation Night for Filipino Community Organizations in Milan and Northern Italy sa walang sawang suporta ng Filcom sa Konsulado.

 

Kumpirmadong Philippine Ambassador to Brazil si Philippine Consulate General in Milan, Consul General Marichu Mauro, matapos siyang dumaan sa ilang proseso mula sa Commission on Appointment.

Ako ay na-nominate bilang Ambassador to Brazil and I underwent the confirmation process from the Commission on Appointment at pumayag naman sila na ako ay ipadala sa Brazil bilang Ambassador”, ayon kay Ambassador Mauro. 

Apat na taon siya nagsilbi  bilang Consul General sa Milan kung saan matiyaga niyang kinuha ang loob ng Filipino Community sa pamamagitan ng pag-unlak sa mga imbitasyon ng mga ito, events man o kahit mga meetings at forums kung saan pinakikinggan niya ang hinaing at suliranin ng mga Pilipino.  Sumasama din siya sa mga mobile consular mission na kung saan nag pro-proseso ang Konsulado ng mga pasaporte application/renewal ng mga ofw’s sa mga designated regions sa hilagang bahagi ng bansang Italy.

Sa katunayan, hanga ang Filcom sa determinasyon ni Mauro sa kadahilanang hindi niya tinalikuran ang mga reklamo ng mga manggagawang Pinoy hinggil sa serbisyo ng kawani ng konsulato sa Milan na naresulba din sa kalauanan.

Sa ginanap na Thanksgiving and Appreciation Night for Filipino Community Organizations in Milan and Northern Italy noong ika- 15 ng Marso ng taon kasalukuyan ay binigyan ng mga Certificate of Appreciation ang bawat Filcom groups at mga indibiduwal na walang sawang sumusuporta sa Konsulado. 

Maging ang Media ay binigyan din ng Certificate of Appreciation gaya ng Ako ay Pilipino, natatanging pahayagan para sa mga Pilipino sa wikang tagalog sa Italya na siyang naghahatid ng mga impormasyon hingil sa mga consular matters at iba pang isyu na makakatulong sa integrasyon ng mga Pilipino sa bansa. 

Sa ilang dekada ay nakatalaga ang Philippine Consulate General in Milan sa isang 3 storey building sa Via Stromboli na kung saan ay halos nagsisiksikan ang mga kababayan natin na nag-aayos ng kani-kanilang dokumento dahil sa hindi sapat na espasyo ng bawat dipartamento sa loob mismo ng nasabing tanggapan.

Sa kasalukuyan, ang tanggapan ng Phillipine Consulate General in Milan ay matatagpuan na sa kanto ng Via Stevio at Via Bernina, Milan.

Ayon kay Mauro, ang paghahanap ng ibang lugar para sa paglilipatan ng tanggapan ng konsulato ay ang kanyang isa sa mga pinatutuunan ng pansin mula ito umupo bilang Consul General.

Ang paghanap at pagbili nitong property ng Philippine Consulate General in Milan, napakahirap nito, at nagtagumpay naman tayo, at nagpapasalamat din tayo sa tulong ng mga Italian authorities”, ani Mauro.

Dagdag pa niya ay tumulong din ang Filcom at ang buong kawani ng Consulate in Milan maging ang Department of Foreign Affairs sa Pilipinas na sumuporta sa kanila upang makakuha ng permanenteng lugar para makahanap sa nasabing tanggapan.

Samantala, sa pagtatalaga ni Mauro sa Brazil ay marami siyang proyektong ilalatag para sa Filcom na mayroong higit na 1000 mga Pinoy doon dahil sa maganda ang relasyon ng bansang Pilipinas at Brazil.

Marami tayong mga bilateral activities with them, mayroon din tayong political relations, mayroon tayong economic promotions”, dagdag pa nito. 

Sa aspeto ng economic promotion, sinabi ni Mauro na ipro-promote nya ang mga produkto ng Pinoy at gagawing investment site ang bansang Pilipinas.

Nagpasalamat din ang Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa lahat ng mga kababayan natin dito sa Milan at hilagang bahagi ng Italy na sumuporta sa kanya at sa buong PCG staff  sa kanyang 4 na taon termino bilang Consul General.

Maraming salamat sa Ako ay Pilipino na binigyan niyo ako ng ganitong pagkakataon to reach out to our kababayans upang pasamalatan po kayo ng maraming marami sa mga tulong at sa suporta ninyo sa konsulato, hindi ko po kayo makakalimutan, at marami tayong matagumpay na activities and projects, at sana ay mabigyan niyo ng parehong suporta ang mga susunod na Consul General.” 

Si Miss Irene Susan B. Natividad ay ang bagong talagang Consul General, ang Consul naman ay si Mr Manuel Mersole J. Mellejor. Samantala ang bagong Labor Attaché ay si Atty. Corina Padilla Buñag.

At para sa kaalaman ng lahat, ang bagong address ng Philippine Consulate General in Milan ay matatagpuan sa Viale Stelvio 71 – Via Bernina, Milan Italy. 

 

Chet de Castro Valencia 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Barrio Fiesta II, malapit na!

Asylum seekers, nangalahati sa taong 2017