Roma – Abril 3, 2013 – Hangarin ng Mother of Divine Grace – Bravetta Filipino Community sa pagdiriwang ng ika-limang taong anibersayo noong nakaraang linggo.
“Many are called but few are choosen”, ito ang naging tema sa pagdiriwang ng MDG Community. Tema na nagbibigay halaga, hindi sa dami o quantity bagkus ang kwalidad o quality ng isang komunidad na naglalarawan ng pagkakaisa at binibigkis ng panalangin kasama ang parokya ng Santo Crucifisso, kung saan kasalukuyang matatagpuan ang nasabing community.
Ginanap sa pakikipagtulungan ng FIMECA o Fil. Migrants European Chess Academy ang Chess competition kung saan nanalo sa Kids Division si Cristian Valdez (Champion), Stephen Javier (1st runner up), at Rysher Resurreccion (2nd runner up). Sa Senior Division naman ay nanalo bilang Champion si Abner Solis ng INC, Ben Dumlao (1st runner up), Alex Escovido ng INC (2nd Runner).
Kasabay nito ang Big 4 Basketball leaguena dinaluhan ng GPII EAGLES (1st place), Latina Good Boys Team at Peronians Balayan team.
Dumalo bilang panauhing pandangal buhat sa Cooperative Devt. Authority (CDA) – Office of the President si Mrs. Marietta Panaglima Hwang, ang OIC ng NCR. Nakiisa rin ang ilang Konsehal sa Roma, mga asosasyon, media, business sector at ilang kapatid buhat sa INC.
Lubos ang pasasalamat sa mga sponsors at mga benefeciaries na nakiisa sa ginawang raffle draw kung saan pinanalunan ang Rome-Manila-Rome ticket at iba pa, gayun din sa lahat ng nakiisa upang maisakatuparan ang pagdiriwang ng anibersayo.
Kabilang sa mga naging gawain ng MDG sa limang taon ang Educational and Spiritual Formation, at Charistmatic Group prayer buhat sa Family Ministry. Ballroom dancing at Martial arts Sports activity tulad ng Arnis at Wingtsun Kungfu naman ang buhat sa Youth Ministry. Kasabay nito ang lahat ng uri ng Ball games tulad ng basketball at volleyball tuwing summer at Chess naman tuwing winter.
Bukod dito, ang Humanitarian activities at fund raising campaign ng samahan tulad ng paglikom ng mga lumang damit na naipadala sa mga nasalanta ng bahang Ondoy, at tulong pinansyal naman sa mga biktima sa Cagayan.
Bahagi rin ng layunin ng grupo ang integrasyon sa parokya ng Santo Crucifisso. Sa katunayan, bahagi ng misang Italyano ang Filipino community sa pagdiriwang ng pista ng parokya tuwing buwan ng Mayo. Ginanap rin ang Multi-Ethnic Food Festival noong nakaraang taon na dinaluhan ng iba’t ibang nasyunalidad.