Roma – Ang “MediAZIONI di Quartiere”, nilikha ng Unione forense per la tutela dei diritti umani at ng il Faro e Asset Camere, ay naglalayong isulong ang payapang pamumuhay ng magkakasama sa iisang sosyedad sa pamamagitan ng mediation, na may partikular na atensyon sa mga temang sumasaklaw sa mga mamamayan ng iba’t ibang kultura.
Sa isang distrito na malaki ang popolasyon, multicultural at mayaman sa mga potensyal tulad ng Municipio V ng lungsod ng Roma, na nagnanais isulong ang proyektong ito upang itaguyod ang kultura ng pagtutulungan at ng aktibong pagkamamamayan.
Ang social mediation, sa katunayan, ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa mga di-pagkakatulad at di-pagkakaunawaan na magpapahintulot upang mapanatili ang pagkakabuklod sa relasyon, matiyak ang pagbibigay ng privacy, gayun din upang makilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga paraang magbibigay solusyon sa mga problema.
Ang proyektong “MediAZIONI di Quartiere”, buhat sa Unione forense at sa pamamagitan ng partneship ng Fondazione Il Faro ni Susanna Agnelli at ng Azienda speciale Asset Camera ay nalikha, salamat sa pondo buhat sa Ministry of Interior bilang bahagi ng FEI 2012 (Azione 6) at sa tulong ng Camera di Commercio. Ang layuning itaguyod ang pagkakaunawaan at pagtutulungan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng toll free number 800 031572 at isang front office para sa oryentasyong legal, gayun din sa trabaho, at bukas tuwing Martes mula 2:00 hanggang 4:30 pm sa Municipio V sa Via Torre Annunziata 1.
Aktibo ang partesipasyon ng mga mamamayan, salamat sa “cantieri di mediazione”, isang round table kung saan ang mga kinatawan ay nagpupulong at humahanap ng solusyon sa mga problema sa pamamagitan ng isang direkta at makakatulong na diskusyon.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]